Pahiyang-pahiya… COCO, UNANG SABAK SA PAG-ARTE, MINURA NI DIREK, PINAPALITAN PA
- BULGAR
- Mar 22, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 22, 2023

Aminado si Coco Martin na nang una siyang sumabak sa showbiz ay wala siya talagang kaalam-alam sa pag-arte. First acting experience niya raw ay sa isang commercial at minura-mura siya ng direktor.
“Pinapapalitan ako 2 in the morning,” kuwento ng bida ng FPJ’s Batang Quiapo sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano.
“Siyempre, down na down ako. Biruin mo, first acting experience ko, ito ‘yung na-experience mo, talagang nire-reject ka,” aniya.
Sobrang napahiya raw siya talaga nu’n kaya ang ginawa niya ay pinag-aralan niyang mabuti ang mga acting ng magagaling na aktor sa industriya.
Ang una raw niya talagang pinag-aralan ay ang acting ni Nonie Buencamino na isa sa mga hinahangaan niyang aktor.
“Unti-unti, ginagaya ko siya,” kuwento niya.
Mahilig din daw siyang magtanong sa mga veteran actors at humingi ng tips sa mga ito sa pag-arte kaya eventually ay naging kaibigan na rin daw niya ang mga ito.
“And then, after that, ‘yun nga, natuto na ako nang natuto. Hanggang hindi ko namamalayan, nagkakaroon na pala ako ng interes sa production,” tsika pa niya.
Ngayon ay alam naman nating direktor na si Coco at talagang sobrang hands-on siya sa kanyang mga proyekto na nagsimula sa FPJ’s Ang Probinsyano at ngayon ay sa FPJ’s Batang Quiapo na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.





Comments