Pahingahan, info hub, support space para sa OFWs
- BULGAR

- Jul 6
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | July 6, 2026

Photo: MECO Migrant Workers Office-MWO - DMW & OWWA Kaohsiung
Binuksan noong Hulyo 4 ang bagong MWO-OWWA Kaohsiung Office at OWWA Migrant’s Brew upang mas mapalapit ang serbisyo ng pamahalaan sa overseas Filipino workers sa Southern Taiwan.
Ang Kaohsiung Migrant’s Brew ay ika-41 sa buong mundo at ikatlong itinayo overseas. Magsisilbi itong pahingahan, information hub, at support space para sa mga OFW.
Pinangunahan ng OWWA, DMW, MECO, partner agencies, at Filipino community organizations sa Taiwan ang blessing at inauguration ng bagong tanggapan.





Comments