PAGWAWALA RAW NI DIREK PAUL SA PRESSCON, ISINISI SA PR NA NAG-IMBITA NG PRESS
ni Julie Bonifacio @Winner | April 6, 2023

Unti-unti nang lumalabas ang tunay na kuwento sa controversial presscon ni Vanessa Hudgens kung saan dawit ang Presidential Adviser for Creative Communications at direktor na si Paul Soriano.
Grabe ang mga anti-press statements na naglabasan na diumano'y sinabi ni Direk Paul sa naatasang PR personality para sa event ni Vanessa na si Joyce Ramirez.
Nagbitiw daw ng statement si Direk Paul na 'di niya kailangan ang press, something like that. At ang naging dating pa nito ay tila namumuhi siya sa mga manunulat.
At first, hindi talaga kami makapaniwala na masasabi 'yun ni Direk Paul kasi kahit paano ay nagkaroon kami ng "close encounter" with him from the first film he directed titled A Journey Home noong 2009.
Nakilala namin siya as a humble person at kung gaano niya ina-appreciate ang mga members of the press.
Pangalawa, kilala namin si Direk Paul na napaka-soft-spoken, gentleman at disenteng tao.
Idagdag pa ang pagiging maka-Diyos nito at ng kanyang pamilya. He will not belittle anybody, for that matter.
And tama nga ang aming pagkakakilala sa direktor dahil nalaman namin from a source ang totoong nangyari sa kontrobersiyal na presscon ni Vanessa kamakailan.
Una, 'di raw true na "nagwala" si Direk Paul sa event. Ang usapan daw ni Direk Paul at nu'ng Joyce bago pa man magsimula ang presscon ay walang media interview after ng tsikahan ni Vanessa at ng King of Talk na si Boy Abunda.
Si Joyce raw ang nagsabi sa mga taga-media na maiinterbyu nila si Vanessa at siya rin ang nag-imbita sa mga ito na dumalo sa naturang event. Hindi niya 'yun ipinaalam kay Direk Paul kaya't talagang nagulat ito.
After ng pag-uusap ng dalawa, may mga kung anu-anong statement daw si Direk Paul na naglabasan against the media.
Pati na ang paglutang sa event ng name ng misis ni Direk Paul na si Toni Gonzaga ay nadamay. Na kesyo kaya raw 'di na ipinainterbyu si Vanessa sa media ay dahil kay Toni.
Not true raw 'yun, sabi ng aming source. Super tight lang daw talaga ang schedule ni Vanessa on that day and she had to fly back sa US right after.
Feeling ng aming source, maaaring 'yung Joyce raw ang nag-feed sa media ng mga diumano'y kontrobersiyal na pahayag ni Direk Paul, para nga naman daw dito ibunton ang sisi at 'di sa kanya dahil sa pagiging "mahadera" raw nito sa interview ni Vanessa na nag-imbita ng media kahit wala sa usapan.
How true kaya ito?!





Comments