Pagwasto ng clerical o typographical errors sa birth certificate
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 6, 2022
Dear Chief Acosta,
Ako ay may problema sa birth certificate. Ang first name na gamit ko mula pagkabata, na siya ring nakasaad sa lahat ng aking school records ay “Bryan.” Samantala, ang first name na nakasaad sa aking birth certificate ay “Bryam.” Ako ay ipinanganak sa Cebu City, ngunit sa kasalukuyan ay naninirahan na ako sa Pasay City. Nais kong malaman kung maaari ko bang asikasuhin ang depekto sa aking birth certificate sa Pasay City sa halip na umuwi pa ako sa Cebu City? - Bryan
Dear Bryan,
Ang batas na sasagot sa iyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 9048, as amended by R.A. No. 10172, partikular na ang Sections 1 at 3 nito, kung saan nakasaad na:
“SECTION 1. Authority to Correct Clerical or Typographical Error and Change of First Name or Nickname. – No entry in a civil register shall be changed or corrected without a judicial order, except for clerical or typographical errors and change of first name or nickname, the day and month in the date of birth or sex of a person where it is patently clear that there was a clerical or typographical error or mistake in the entry, which can be corrected or changed by the concerned city or municipal civil registrar or consul general in accordance with the provisions of this Act and its implementing rules and regulations.
xxx
SECTION 3. Who May File the Petition and Where. - Any person having direct and personal interest in the correction of a clerical or typographical error in an entry and/or change of first name or nickname in the civil register may file, in person, a verified petition with the local civil registry office of the city or municipality where the record being sought to be corrected or changed is kept.
In case the petitioner has already migrated to another place in the country and it would not be practical for such party, in terms of transportation expenses, time and effort to appear in person before the local civil registrar keeping the documents to be corrected or changed, the petition may be filed, in person, with the local civil registrar of the place where the interested party is presently residing or domiciled. The two (2) local civil registrars concerned will then communicate to facilitate the processing of the petition…xxx” (Binigyang-diin)
Alinsunod sa mga nabanggit na probisyon ng batas, maaaring magsumite ng administrative petition upang iwasto ang clerical o typographical error o pagpalit ng pangalan sa local civil registrar ng siyudad o munisipalidad, kung saan orihinal na nakarehistro ang birth certificate. Subalit, kung ang magpepetisyon ay lumipat na ng tirahan at magiging impraktikal na para sa kanya na sadyain ang lugar, kung saan nakarehistro ang kanyang birth certificate, upang iwasto ang clerical o typographical error na nakapaloob rito, maaaring isumite ang petisyon sa local civil registrar ng siyudad o munisipalidad kung saan kasalukuyang nakatira ang magpepetisyon.
Sa iyong sitwasyon, ang isang letrang mali sa iyong pangalan na “Bryan”, na naging “Bryam” sa iyong birth certificate ay malinaw na clerical o typographical error na maaaring iwasto sa pamamagitan ng paghahain ng petisyon sa local civil registrar. Dahil ang iyong birth certificate ay nakarehistro sa Cebu City at sa kasalukuyan ay nakatira ka sa Pasay City, masasabing hindi na praktikal para sa iyo na gumastos ng pamasahe at maglaan ng oras para lamang pumunta sa Cebu City upang iwasto ang nasabing pagkakamali. Kaya naman, maaari kang magsumite ng petisyon upang iwasto ang clerical o typographical error sa iyong pangalan sa iyong birth certificate sa local civil registrar ng Pasay City na iyong kasalukuyang tirahan.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments