PAGTULOG NINA ANDREA AT RICCI SA BAHAY NG ISA'T ISA, APRUB SA PARENTS
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 30, 2023

Todo-deny ang basketball player-actor na si Ricci Rivero sa akusasyon na ginamit lang niya ang ex-girlfriend na si Andrea Brillantes upang sumikat at mapag-usapan.
Wala raw siyang ganu'ng intensiyon sa dating nobya at hindi rin daw niya niloko si Andrea. May mga bagay lang silang hindi napagkasunduan, kaya’t umabot sa paghihiwalay ang kanilang relasyon.
Itinanggi rin ni Ricci na nahuli siya ni Andrea na may kasamang babae sa kanyang condo.
To the rescue naman ang mga fans and supporters ng basketball player-actor. Para sa kanila ay hindi naman kagamit-gamit ang aktres para sa career ng idolo nila. In fact, mas nakinabang pa nga raw si Andrea sa isyu nila ngayon ni Ricci dahil napag-uusapan siya at ‘ika nga nila, “good or bad publicity is still publicity”.
At kailanman ay hindi naging dehado si Andrea sa kanilang relasyon ni Ricci dahil pareho nilang minahal ang isa’t isa.
Hindi nga sila umabot sa punto ng pagli-live-in tulad ng nababalita, pero inamin mismo ng basketball player-actor kay Boy Abunda na minsan ay natutulog sa kanyang condo ang aktres.
Sinabi rin niya na may mga araw na siya naman ang natutulog sa bahay ni Andrea.
Pero kahit na ganu’n ang setup noon ng dating magkarelasyon, may permiso raw ito ng kanilang mga magulang.





Comments