Pagtugon ng Pag-IBIG sa Pangangailangan ng mga Miyembro sa Pandemya, ginawaran ng Gold Award sa 2021
Asia-Pacific Stevie Awards.
ni Fely Ng - @Bulgarific | August 10, 2021

Hello, Bulgarians! Kinilala ang Pag-IBIG Fund sa pagtugon nito sa mga pangangailangan ng kanilang mga miyembro at stakeholders sa gitna ng COVID-19 pandemic sa nakaraang 2021 Asia Pacific Stevie Awards. Ginawaran ang ahensiya ng Gold Stevie Award sa ilalim ng Most Valuable Government Response Category para sa kanilang Alagang Pag-IBIG: Helping the Nation Recover from COVID-19 na naglalaman ng mga programa at kampanya na inilunsad ng Pag-IBIG Fund.
Ang Stevie Awards ay kilala bilang isa sa mga prestihiyosong pandaigdigang parangal na kumikilala sa mga makabagong programa at natatanging kontribusyon ng iba’t ibang organisasyon sa buong mundo. Ang kanilang lupon ng mga hurado ay binubuo ng mga pinakamagagaling na business leaders, educators, at executives. Ang naturang Asia-Pacific Stevie Awards ang siya namang nagbibigay-parangal para sa mga organisasyon sa nabanggit na rehiyon. Mahigit 900 nominasyon ang natanggap ng Stevie Awards mula sa 29 na bansang kalahok mula sa Asia-Pacific ngayong taon.
"We at Pag-IBIG Fund recognize our mandates and the role we play in helping our members, stakeholders and the nation cope and recover from the challenges brought about by the pandemic. That is why we immediately moved to implement programs and policies to respond to their needs, while taking care of our own employees’ welfare. These are Pag-IBIG Fund’s contributions to our nation’s recovery efforts, led by President Duterte, during these challenging times,” said Secretary Eduardo D. del Rosario, head of the Department of Human Settlements and Urban Development, and the 11-member Pag-IBIG Fund Board.
Noong 2020, nagbigay ang Pag-IBIG Fund ng Grace Period para sa 4.8 million members na may housing loan at Multi-Purpose Loans na umabot ng anim na buwan alinsunod sa Bayanihan I and II Acts. Mabilis ding natulungan ng ahensya ang 320,406 borrowers nuong ito ay nag-alok ng 3-month Moratorium para sa borrowers nito, isang araw matapos ilunsad ang unang Enhanced Community Quarantine. Binuksan din ng Pag-IBIG Fund ang Special Housing Loan Restructuring Program na nakatulong sa 85,440 housing loan borrowers upang mabigyan sila ng pagkakataong makapagplano at maisaayos ang kanilang pagbabayad ng kani-kanilang Pag-IBIG Housing Loan.
Bukod sa mga housing loan borrowers, naglaan din ang ahensiya ng P10 billion home construction fund para sa mga accredited developers nito upang matulungan silang maipagpatuloy ang kanilang mga proyektong pabahay, kasabay ng pagpapatupad nito housing loan promo rates upang himukin silang ituloy ang pagbili ng sariling tahanan. Naging daan ang mga hakbang na ito upang manatiling masigla ang industriya ng pabahay at imprastruktura, na nakapagbigay din ng trabaho sa mga manggagawa sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya.
Maliban sa Gold Stevie Award ay nakakuha din ang ahensiya ng dalawang Bronze Stevie Awards para naman sa Pag-IBIG You Can Count on: The Pag-IBIG Fund Covid-19 Communication Program sa kategorya na Most Exemplary Employer, at ang Pag-IBIG Fund 2019 Digital Corporate Annual Report: Serving the Nation with Excellence and Innovation sa kategorya ng Innovation in Annual Reports.
Ang mga nabanggit na programa ay naglatag ng maayos na sistema ng komunikasyon: una para sa mga empleyado, bilang pangangalaga sa kanilang kaligtasan at kalusugan habang patuloy na pinagsisilbihan ang mga miyembro; ikalawa, para sa paggamit ng teknolohiya upang maging kauna-unahang ahensya sa bansa na nakalikha at nakapaglunsad ng Virtual Annual Report na umaakma sa makabagong pamamahayag.
“We at Pag-IBIG Fund, have always committed ourselves to bring the Lingkod Pag-IBIG brand of service – Tapat na Serbisyo, Mula sa Puso - to our members and stakeholders. We are honored to have been recognized by the Asia-Pacific Stevie Awards for our COVID-19 response, as well as for our efforts to keep our employees safe amid the pandemic and in bringing forth innovation in our annual report. These awards are a testament to our commitment to continuously provide excellent and innovative service, especially during these challenging times,” pahayag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.



Comments