Pagtatraydor, 'di makalimutan… BEA, SUKANG-SUKA PA RING MAKASAMA SI GERALD
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 29, 2022

Bagama't matagal nang naka-move on si Bea Alonzo sa breakup nila ni Gerald Anderson, mukhang matindi pa rin ang galit niya sa ex-boyfriend dahil ayaw niya pa rin itong makatrabaho hanggang ngayon.
Sa vlog ni Barbie Forteza kung saan ay kinapanayam niya si Bea, isa sa mga naitanong niya ay kung willing ba ang aktres na makatrabaho ang mga ex nito.
Diretsong sagot ng aktres, “Depende kung sinong ex. Kay Zanjoe, willing akong makipag-ano.”
Of course, ang tinutukoy ni Bea ay si Zanjoe Marudo na nakarelasyon niya before Gerald Anderson.
Sey pa ulit ni Bea, “Depende sa ex. Isa lang naman ‘yung ayoko, eh.”
Para naman kay Barbie, aniya ay parang hindi raw niya kayang makatrabaho ang kahit sino sa mga ex niya.
Tanong ni Bea kay Barbie, “Bakit? Ugly breakup?”
Ayon kay Bea, sila ni Zanjoe ay hindi naman kasi ugly breakup at hanggang ngayon ay nananatili naman silang magkaibigan.
Hugot pa ni Bea, “It would be disrespectful to our partners if we ended it badly.”
Patuloy pa niya, “Iba kapag may betrayal na factor.”
Hindi man nagsabi ng pangalan si Bea, obviously ay si Gerald ang ex na ayaw niyang makatrabaho at ito rin ang pinariringgan niya tungkol sa betrayal.





Comments