Pagtatangka ng China na i-develop ang Sangley Airport sa Cavite, sopla!

ni Ka Ambo - @Bistado | January 28, 2021
Binasted ng Cavite ang pagtatangka ng korporasyon mula China na i-develop ang Sangley Point International Airport.
Mainam naman!
◘◘◘
Delikado sa matatanda at may mahinang katawan ang bakuna ng Pfizer at moderna.
Ito ay dahil sa paggamit ng “messenger RNA”.
Nagbubunsod ito ng malakas na enerhiya sa pagpo-produce ng unlimited na “anti-bodies”.
Dahil d’yan, siyempre—puwedeng kapusin ang resistensiya ng matatanda at may sakit!
◘◘◘
Mas ipinapayo ang paggamit ng non-replicating vaccines mula sa China, Russia at iba pa.
Mas kalmante ito at madaling makontrol ng naturalesa ng tao.
Ganyan lang kasimple ang paliwanag!
◘◘◘
Nagtataka tayo kung bakit ayaw ipaliwanag ng DOH ang teknikalidad ng bakuna.
Parang sirang-plaka na inuulit-ulit ang estatistikang nakatuon sa pananakot sa taumbayan imbes na nakatuon sa paglilinaw ng mga isyu!
◘◘◘
Kailangan ng Malacañang at IATF ay eksperto sa paglikha o pag-composed ng mga ulat na maglilinaw ng maseselan at komplikadong isyu.
Maraming inilalabas na impormasyon—ay hindi nauunawaan ng ordinaryong mamamayan!
◘◘◘
Dapat maunawaan kung ano ang “kahulugan ng komunikasyon”.
Tatlong aspekto ang komunikasyon—ang pinagmumulan ng impormasyon at ang tatanggap ng impormasyon.
Ikatlo ay ang medium o media—kung paano dadalhin at iaayos ang impormasyon mula sa pinanggalingan patungo sa tatanggap!
◘◘◘
Wala dapat aberya sa tatlong aspekto.
Kapag malabo o komplikado ang impormasyon, may aberya agad.
Dahil hindi ito makakaabot sa patutunguhan o sa mga dapat tumanggap!
◘◘◘
Satsat nang satsat at dakdak nang dakdak ang gobyerno—pero sila-sila lang ang nakauunawa ng kanilang mensahe.
Kapag ganyan, walang “komunikasyon” na naganap.
Ang naganap o magaganap ay pagkalito at aberya sa mga isyu tulad sa ating nararanasan ngayon!
◘◘◘
Dapat inuunawa ng maglalabas ng ulat—kung anong sektor ang target na tatanggap ng impormasyon.
Kung ang tatanggap ay ordinaryong tao o nasa hanay ng tinatawag na Class D at Class E—dapat iayos ang porma ng mensahe!
◘◘◘
Iniaayos dapat ang impormasyon o mensahe na angkop sa talino, kakayahan, estilo at kultura ng tatanggap ng impormasyon.
D’yan papasok ang “media” o ang pagdaraanan ng daloy ng impormasyon.
Pero, dapat mula pa lamang sa pinanggalingan ng impormasyon ay pinagagaan na ito!
◘◘◘
Nakalulungkot na walang ekspertong communication experts ang Malacañang.
Pinulot lang ang mga ‘yan sa kangkungan at nagging benepisaryo ng “bayad-utang-na-loob” mula sa halalan.
Tsk-tsk-tsk!





Comments