Pagtataguyod sa kapakanan ng mga PWD
- BULGAR
- Sep 25, 2023
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 25, 2023
Dear Chief Acosta,
Isa ako sa mga persons with disability na naninirahan sa isang siyudad dito sa Luzon.
Kadalasan na pangamba ko ay ang kawalan ng gaanong atensyon sa mga tulad ko sa aming lugar para sa aming ibang pangangailangan. Nais ko lamang malaman kung may batas ba na naglalayon na tumutok sa kapakanan o pangangailangan ng mga tulad naming PWDs? Salamat. – Lili
Dear Lili,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 40 ng Republic Act No. No. 7277 o mas kilala bilang “Magna Carta for Disabled Persons”, na inamyendahan ng Republic Act No. 10070. Ayon dito:
“Section 40. Role of National Agencies and Local Government Units.
(a) Local government units shall promote the establishment of organizations of persons with disabilities (PWDs) in their respective territorial jurisdictions. National agencies and local government units may enter into joint ventures with organizations or associations of PWDs to explore livelihood opportunities and other undertakings that shall enhance the health, physical fitness and the economic and social well-being of PWDs.
(b) Local government units shall organize and establish the following:
(1) Persons with Disability Affairs Office (PDAO)
A PDAO shall be created in every province, city and municipality. The local chief executive shall appoint a PWD affairs officer who shall manage and oversee the operations of the office, pursuant to its mandate under this Act. Priority shall be given to qualified PWDs to head and man the said office in carrying out the following functions:
i. Formulate and implement policies, plans and programs for the promotion of the welfare of PWDs in coordination with concerned national and local government agencies.”
Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang lokal na pamahalaan ay inaatasan na iengganyo ang pagkakaroon ng isang organisasyon ng mga persons with disabilities sa kanilang nasasakupan. Ganoon din, ang national government ay pinapayagan na pumasok sa mga joint ventures sa mga organisasyon o asosasyon ng mga PWD na makapagpapalawig ng mga oportunidad na makapagpapatibay sa kalusugan ng PWDs at kanilang economic and social well-being. Karagdagan dito, inaatasan din ang lokal na pamahalaan na mag-organisa at magtayo ng opisina na tinatawag na Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na magtataguyod sa kapakanan ng mga PWD. Kung kaya sa iyong nabanggit na sitwasyon, ang inyong lokal na pamahalaan ay may responsibilidad na magkaroon ng isang organisasyon o opisina na siyang tututok sa mga pangangailangan ng PWDs sa inyong lugar at siyang mangangalaga sa inyong mga kapakanan.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments