top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy, ‘side effect’ ng lockdown

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 18, 2021



Dumarami raw ang mga dalagitang nagbubuntis.


Panibagong side effect ng lockdown!


◘◘◘


Hindi pa sumusuko ang kampo ni Sen. Bongbong Marcos sa protesta kontra kay VP Leni.


‘Yan ang pahayag ng kanyang abogado!


◘◘◘


Mayroon nang unang bagyo sa 2021.


At huwag ka, sa Davao na naman tatama!


◘◘◘


Dapat tayuan ng rebulto ni P-Digong ang lahat ng munisipyo sa Davao.


Siya ang nagpasikat sa Davao—hindi lang sa buong Pilipinas, kundi sa buong daigdig!


◘◘◘


Sinapawan na ng Davao ang Maynila.


Pwes, ilipat ang kapitolyo ng bansa sa Mindanao!


◘◘◘


Umaalburoto ulit ang Bulkang Taal.


Bago mag-COVID ay sumabog ang Taal, hindi kaya ang muling pagsabog—ay senyales naman ng pagbabalik normal?


◘◘◘


Wala pa ring linaw ang pagdating ng mga COVID vaccine.


Puro ‘wento, ‘wento lang!


◘◘◘


Kapansin-pansin ang pagdami ng bilang ng holdap at nakawan.


Epekto ng pagdarahop!


◘◘◘


Nawawala sa sirkulasyon si DILG sec. Eduardo Año.


Ano ang nangyari?


◘◘◘


May nakitang “malaking tipak ng bato” ang Lunar Rover ng China sa madilim na bahagi ng Moon.


Huh, itanong natin kay Sen. De La Rosa?


◘◘◘


Nakapasok na sa orbit ng Mars ang spacecraft ng UAE, China at US.


Talagang mas gusto nila ang tubig ng Mars kaysa tubig ng Angat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page