Pagtaas ng benepisyo para sa military veterans at dependents
- BULGAR
- 4 hours ago
- 3 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 25, 2025

Dear Chief Acosta,
Nakatutuwa na may benepisyo na natatanggap ang ilan nating mga beterano na nag-alay ng serbisyo sa sandatahang lakas ng Pilipinas. Maaari bang malaman kung may bago bang batas patungkol sa halaga ng disability pension na maaaring matanggap ng mga nasabing beterano? Salamat. -- Ricky Jr.
Dear Ricky Jr.,
Matatagpuan ang kasagutan sa iyong katanungan sa Seksyon 1 ng Republic Act No. 11958 (R.A. No. 11958), “An Act Rationalizing the Disability Pension of Veterans, Amending for the Purpose Republic Act No. 6948, Entitled, “An Act Standardizing and Upgrading the Benefits for Military Veterans and their Dependents”, na nagsaad na:
“Section 1. Section 5 of Republic Act No. 6948, as amended, is hereby further amended to read as follows:
“Section 5. Pension Rates. -- A veteran who is disabled owing to sickness, disease, wounds or injuries sustained in line of duty shall be given a monthly disability pension in accordance with the rates prescribed hereunder:
(a) If and while the disability is rated anywhere from ten to thirty per centum (10%-30%), the monthly pension shall be Four thousand five hundred pesos (P4,500.00);
(b) If and while the disability is rated anywhere from thirty-one to forty per centum (31%-40%), the monthly pension shall be Five thousand three hundred pesos (P5,300);
(c) If and while the disability is rated anywhere from forty-one to fifty per centum (41%-50%), the monthly pension shall be Six thousand one hundred pesos (P6,100.00);
(d) If and while the disability is rated anywhere from fifty-one to sixty per centum (51%-60%), the monthly pension shall be Six thousand nine hundred pesos (P6,900.00);
(e) If and while the disability is rated anywhere from sixty-one to seventy per centum (61%-70%), the monthly pension shall be Seven thousand seven hundred pesos (P7,700);
(f) If and while the disability is rated anywhere from seventy-one to eighty per centum (71%-80%), the monthly pension shall be Eight thousand five hundred pesos (P8,500.00);
(g) If and while the disability is rated anywhere from eighty-one to ninety per centum (81%-90%), the monthly pension shall be Nine thousand three hundred pesos (P9,300.00);
(h) if and while the disability is rated anywhere from ninety-one to one hundred per centum (91%-100%), the monthly pension shall be Ten thousand pesos (P10,000.00); plus One thousand pesos (P1,000.00) for the spouse and each unmarried minor children: Provided, That a veteran, upon reaching the age of seventy (70) and not receiving disability pension under this Act, is deemed disabled and shall be entitled to a monthly pension of One thousand seven hundred pesos (P1,700.00) only: Provided, further, That the entitlement to the disability pension authorized herein shall be prospective and limited to eligible living veterans only.”
Bilang kasagutan sa iyong katanungan, malinaw na nakasaad sa nabanggit na probisyon ng batas ang angkop na kalkulasyon at halaga ng disability pension na maaaring matanggap ng ating mga beterano. Ito ay mas mataas kumpara sa inamyendahang Seksyon 5 ng Republic Act No. 6948, o mas kilala sa tawag na “An Act Standardizing and Upgrading the Benefits for Military Veterans and their Dependents”. Ito ay base na rin sa polisiya ng ating pamahalaan na tumulong sa pagpapaunlad ng sosyo-ekonomikong seguridad at pangkalahatang kagalingan ng mga beterano ng bansa bilang pagkilala sa kanilang mga serbisyong makabayan sa panahon ng digmaan at kapayapaan.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




