top of page
WINNER - TITO-KIKO SA 2028, ISINUSULONG-IG _reallysharoncuneta.jpg

Pagsustento ng anak sa magulang, nasa batas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 21, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 21, 2023



Dear Chief Acosta,


Ako ay isang biyudo. Dahil sa katandaan, marami na akong karamdaman na kinakailangan ng patuloy na paggamot. Mayroon akong isang anak na nagtatrabaho sa Maynila bilang manager ng bangko. Ako ay nanawagan sa kanya na magpadala ng sustento, ngunit masama ang loob niya at ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng kanyang yumaong ina. Wala na akong ibang mahihingian ng tulong. Talaga bang wala na akong karapatan humingi ng sustento sa aking anak? –Mang Enteng


Dear Mang Enteng,


Para sa inyong kaalaman, mayroong batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan. Ayon sa Articles 194 at 195 ng Family Code of the Philippines:


“Art. 194. Support comprises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family.


The education of the person entitled to be supported referred to in the preceding paragraph shall include his schooling or training for some profession, trade or vocation, even beyond the age of majority. Transportation shall include expenses in going to and from school, or to and from place of work.


Art. 195. Subject to the provisions of the succeeding articles, the following are obliged to support each other to the whole extent set forth in the preceding article:

(1) The spouses;

(2) Legitimate ascendants and descendants;

(3) Parents and their legitimate children and the legitimate and illegitimate children of the latter;

(4) Parents and their illegitimate children and the legitimate and illegitimate children of the latter; and

(5) Legitimate brothers and sisters, whether of full or half-blood.”


Ayon sa nabanggit, ‘di lamang ang anak ang may karapatan upang mabigyan ng sustento mula sa kanyang mga magulang. Ang mga magulang din ay may karapatang mabigyan ng sustento ng kanilang mga anak.


Katulad ng inyong sitwasyon na nangangailangan ka ng pantustos sa iyong gamot.


Malinaw sa batas na ang medical attendance ay kasama sa maaaring ihingi ng sustento.


At dahil inyong nabanggit na may kakayahan ang inyong anak na makapagbigay sustento, walang makapipigil upang ipatupad ang paghingi n’yo ng sustento, sapagkat ang sustento ay nakadepende rin sa kakayahan ng taong magbibigay nito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page