top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagsuporta sa “Run Sara Run”, gimik lang para sa budget, hmmm…

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 10, 2021



HINDI PAGTAKBO NG MAG-AMANG DUTERTE, “PAKULO” LANG?—Sabi ni P-Duterte ay hindi siya kakandidatong bise-presidente dahil gusto na niyang magretiro sa pulitika, at kinausap na rin umano niya si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na huwag kumandidato sa 2022 presidential election.


Hindi kaya “pakulo” na naman ni P-Duterte ang sinabi niyang ‘yan? Ganyan din ang sinabi niya noong 2015 na ayaw niyang kumandidatong pangulo, pero sa last minute ng filing ng candidacy ay nag-file rin ng kandidatura for president.


‘Ika nga, baka magulat ang lahat sa last minute na naman ng filing ng candidacy ay biglang mag-file ng kanilang kandidatura ang mag-ama para sa Duterte-Duterte 2022 election, boom!


◘◘◘


PARANG SINABI NI PUENTEVELLA NA GUSTO LANG MAGKA-BUDGET SA ELEKSIYON ANG MGA PULITIKONG NAGRA-“RUN SARA RUN”—Diretsahang sinabi ni dating Bacolod City Rep. Monico Puentevella na kaya lang maraming pulitiko ang nananawagan kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na kumandidatong pangulo ay dahil pangulo ang tatay nito na may kontrol sa lahat ng resources ng pamahalaan.


Kumbaga, parang sinabi ni Puentevella na nagpapansin lang kay P-Duterte ang mga pulitikong lumalahok sa “Run Sara Run” sa hangarin na mabigyan sila ng budget ng Malacañang na gagamitin nila sa kampanya sa 2022 election, period!


◘◘◘


KUNG UMUBRA KAY GIBO NA MAGPABAKUNA SA DAVAO CITY, SANA LAHAT NG MAMAMAYAN AY PUWEDE RIN MAGPABAKUNA SAANMANG LUGAR SA BANSA—Nang magtungo si dating Defense Sec. Gibo Teodoro sa Davao City para batiin ng “happy birthday” si Mayor Sara Duterte-Carpio noong May 31, isinabay na rin niya ang pagpapabakuna sa kanyang sarili sa lungsod.


Kung umubra kay Gibo ang ganyan, na taga-Tarlac siya pero sa Davao City nagpabakuna, dapat pairalin din ang ganyan sa lahat, na kahit saang lugar sa bansa ay puwedeng magpabakuna ang sinumang mamamayan kasi kung sasabihin ng pamahalaan na hindi puwede, na kung saang residente ang mamamayan ay doon lang puwedeng magpabakuna ay lalabas na may palakasan system pala sa pagpapabakuna, boom!


◘◘◘


DAPAT ISAPUBLIKO NA NINA GALVEZ AT DUQUE ANG PRESYO NG BRAND NG MGA BAKUNANG KANILANG BINIBILI—Sunud-sunod na ang pagdating ng iba’t ibang uri ng bakuna sa bansa, may donasyon at may binili, pero sa isyung pagbili ay kataka-taka na hanggang ngayon ay hindi sinasabi nina Vaccine czar Carlito Galvez at Health Sec. Francisco Duque III ang presyo ng pagkakabili nila sa bakuna.


Sana ay isapubliko na nina Galvez at Duque ang presyo ng bawat brand ng bakunang kanilang binibili kasi karapatan ng mamamayan na malaman ‘yan dahil galing sa buwis ang ginagastos d’yan at hindi nila sariling pera, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page