Pagsunod sa batas at pagkakaroon ng delicadeza, isama natin sa New Year’s resolution!
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | January 10, 2021
Dala ng Bagong Taon ang bagong pagkakataon upang muling magsimulang at magpokus sa mga importanteng bagay.
Hingin natin ang patnubay ng Panginoon upang bigyan Niya tayo ng lakas na maging mas mabuting pamilyang Filipino at bansa, sa kabila ng kawalan ng katiyakan na dulot ng pandemya.
☻☻☻
Ngayong Bagong Taon, marami sa atin ang mayroong New Year’s resolution o ‘wish’. Sana ngayong 2021 ay bukod sa ating personal na mga hiling o gagawin ay isama natin ang mga bagay na magpapabuti sa atin bilang mamamayan at bansa.
Walang katiyakan na mas magiging magaan ang 2021, ngunit mas magiging makabuluhan ito kung sisikapin nating iwasto ang mga naging pagkakamali sa mga nagdaang taon, at muling ibalik ang pundasyon ng paniniwala at tiwala ng tao sa lipunan.
Nais kong ibahagi sa inyo ang aking mga wish ngayong 2021, at sana’y samahan ninyo ako upang magkaroon ng makabuluhang pagbabago sa ating buhay at bansa.
☻☻☻
Sana all—ang unang wish ko ay ibalik natin ang pagsunod sa tamang proseso at pagrespeto sa batas. As a nation, let’s make a commitment in following the rules no matter how unusual they may seem.
As we strive to fully adjust to the new normal, I cannot stress enough how important it is to follow laws, policies, regulations—walang shortcut.
Huwag na nating gayahin ‘yung ibang harap-harapang sinusuway ang batas, who are beyond reproach and reckoning, and who brags in a way saying that they are above the law.
Sadly, there are those who openly display contempt, and justify a wrong as long as it suits their purpose. Riyan nagsisimula ang lahat ng problema kapag binabaluktot ang tuwid na sistema.
☻☻☻
Pangalawa, sikapin nating ibalik ang time-honored Filipino values tulad palabra de honor at delicadeza.
In school, we used to be concerned with character-centered virtues. But perhaps the first step of the journey to healing a pained nation is bringing back socially-centered values that used to be our foundation as a people.
☻☻☻
At ang pinaka-importante, bigyan natin ng pagpapahalaga ang buhay ng tao.
Mahalaga ang bawat buhay. Itigil na ang patayan. How can you inspire change if our idea of change is eliminating life? The laws are there to protect people’s lives—not endanger them.
☻☻☻
Ilan lamang ito sa maliliit na bagay na maaari nating gawin upang ibalik ang mga essential values bilang isang bansang sumusunod sa batas, at sana’y maging daan ito sa mas makabuluhang pagbabago sa ating mga buhay sa mga darating na araw at taon.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments