top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

Pagsasampa ng kaso sa employer na ‘di naghulog ng SSS contribution, gawin sa loob ng 20 years

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16, 2020
  • 1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 16, 2020


Dear Chief Acosta,


Nalaman ko noong 2017 na mayroong kulang na hulog ang aking employer sa aking SSS contribution kahit kumpleto ang kaltas sa aking suweldo. Maaari pa ba akong magsampa ng reklamo tungkol dito kahit tatlong taon na ang nakalilipas? – Jerome


Dear Jerome,


Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 22 ng Republic Act (R.A.) No. 1161 as amended by R.A. No. 8282, o mas kilala bilang “Social Security Law” kung saan nakasaad na:


“Section 22. Remittance of Contributions. – xxx
(b) xxx
The right to institute the necessary action against the employer may be commenced within twenty (20) years from the time the delinquency is known or the assessment is made by the SSS, or from the time the benefit accrues, as the case may be.” (Sinalungguhitan para bigyang-diin)

Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang pagsasampa ng kaso laban sa employer tungkol sa hindi nito paghuhulog ng Social Security System (SSS) contribution ninyo ay maaaring gawin hanggang dalawampung (20) taon magmula sa pagkakaroon ninyo ng kaalaman sa hindi nito paghuhulog.


Sa inyong sitwasyon, dahil hindi pa lumalampas ang dalawampung (20) taon mula nang inyong malaman na mayroong kulang na hulog sa inyong SSS contribution ang inyong employer ay maaari ninyo pa rin itong isampa.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page