BINI at si Coco na raw ang top earners ng Kapamilya… VICE, LILIPAT NA RAW SA GMA-7
- BULGAR

- 8 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 28, 2026

Photo: IG _teamviceph
Umaalingasaw ang balitang iiwan na ni Vice Ganda ang ABS-CBN at tatanggapin ang offer sa kanya ng GMA Network at TV5 Network.
Malaki raw ang offer sa kanya at magkakaroon umano siya ng mga shows sa dalawang networks.
Dahil dito, lumalabas ang espekulasyon na hindi na siya kinokonsidera ng ABS-CBN bilang top artist na malaki ang kontribusyon sa network.
Ang P-Pop group na BINI at si Coco Martin ang binanggit na top earning talents ng Kapamilya Network.
Ano kayang show ang ibibigay ng GMA-7 kay Vice Ganda? May tanong din kung nangangahulugan ba ito ng pag-alis niya sa It’s Showtime (IS)?
Hinihintay pa rin ang pormal na pahayag ng ABS-CBN sa naturang isyu.
Noon, ang nais daw ni Vice Ganda ay muling ibalik ang kanyang show na Gandang Gabi, Vice (GGV), kung saan niya naipapakita ang galing sa pagho-host.
Sikat na bida sa Chinese vertical series…
LINDA WALKER, DARATING NG ‘PINAS

DARATING ng ‘Pinas ang sikat na bida ng Chinese vertical series na The Heiress Who Won With Brains na si Zhang Yingfei na mas kilala bilang si Linda Walker.
Sa imbitasyon ng Federation Of Filipino Chinese Chambers Of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), inanunsiyo ni Mr. Wilson Flores ng Kamuning Bakery sa ginanap na mediacon kahapon ang pagdating ni Linda Walker sa ‘Pinas sa June 8 ng hatinggabi.
Mananatili rito sa ‘Pinas ang sikat na Chinese actress hanggang sa June 11, kung
saan bibisita siya sa iba't ibang public schools sa Metro Manila para mahikayat ang mga estudyante na bigyang-halaga ang kanilang pag-aaral.
Nakilala si Linda Walker bilang ang matalinong estudyante na nahiwalay sa kanyang mayamang pamilya at dahil sa kanyang sobrang talino, ito ang naghatid sa kanya ng tagumpay.
Bukod sa mga school tours, magke-courtesy call din siya kay Manila Mayor Isko Moreno at bibisitahin ang ilang tourist spots sa Metro Manila upang mai-promote ito.
Layunin ng FFCCCII na mai-promote ang edukasyon sa bansa at ang ating turismo na natatalo na ng ibang bansa.
Kaya naman, sa mga fans ni Linda Walker sa ‘Pinas, puwede n'yo siyang salubungin sa NAIA Terminal 3 sa kanyang pagdating sa ‘Pinas sa June 8.
Sa lahat ng anak ng Superstar…
2 PAINTINGS NI NORA, KAY IAN IBINIGAY NG PAMILYA NI COCOY LAUREL
SA ginanap na launching ng Nora Aunor-Cocoy Laurel documentary na binuo ng Universal Guy & Cocoy Fans Club Legacy ng USA, Canada, at Australia, pormal na nai-turn-over ng pamilyang Laurel kay Ian de Leon ang dalawang paintings ng Superstar na gawa ni Cocoy.
Ang unang painting ay ang Maria Clara na dating naka-display sa mansiyon ng mga Laurel.
Ang pangalawang painting ni Nora na ipininta ay may titulong National Artist, na ginawa noong idineklara siya bilang National Artist for Film and Broadcast Arts.
Ang dalawang paintings ay idinoneyt ng pamilyang Laurel para ilagay sa bubuksang Nora Aunor Museum.
Ang Universal Guy & Cocoy Fans Club Legacy ay nagbigay ng kanilang cash donation na P500 thousand para sa gastusin ng museum. Sila ay nag-ambag-ambag para sa donasyon. Marami sa kanila ang umuwi pa ng ‘Pinas upang saksihan ang documentary.
MASUWERTENG-MASUWERTE si Shaira Diaz dahil sa supportive na asawa na si Edgar Allan ‘EA’ Guzman. Spoiled na spoiled siya ng kanyang mister at napapayag itong manood ng concert ng BTS sa Las Vegas.
Super fan ng Korean pop (K-pop) boy group si Shaira kaya ganoon na lamang ang tuwa niya.
Samantala, napansin ng ilan na tila nadagdagan ang kanyang timbang, kaya may mga espekulasyong maaaring siya ay buntis.
Gusto raw ng mag-asawa na bumuo na ng pamilya, at sinasabing ito ang magpapasaya at magpapalakas pa ng kanilang pagsasama.





Comments