Pagsasaayos ng refugee camp, UAE nagbigay ng $15-M

ni Mabel Vieron @Overseas News | July 9, 2023

Nagpaabot ang United Arab Emirates (UAE) ng $15 milyon para sa pagsasaayos ng Jenin refugee camp sa West Bank.
Ang funding promise ay matapos ang naganap na military operations ng Israel laban sa mga Palestinian militants na naninirahan sa refugee camp.
Ipinaabot ang nasabing halaga sa United Nations Relief and Works Agency (UNRWA) para sa Palestine Refugee.
Magugunitang nasa mahigit 10 katao ang nasawi sa military operations ng Israel habang mahigit 50-katao ang sugatan.





Comments