top of page
Search
BULGAR

Pagsampa ng kaso laban sa inaabusong bata

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 9, 2024


Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Lagi naming nakikita ang anak ng aming kapitbahay na sinasaktan at pinababayaan ng kanyang mga magulang. Maaari ba kaming magsampa ng kaso para matulungan ang bata?  Maraming salamat sa pagsagot.


-- Belle

 

Dear Belle, 


Sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 7610 o mas kilala bilang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”, na inamyendahan ng Republic Act (R.A.) No. 9231, pinoprotektahan ang mga kabataan mula sa pang-aabuso. Nakasaad naman sa Section 27 nito kung sinu-sino ang mga maaaring magsampa ng kaso tuwing mayroong paglabag sa mga probisyon nito:

 

Section 27. Who May File a Complaint. – Complaints on cases of unlawful acts committed against the children as enumerated herein may be filed by the following:


  1. Offended party;

  2. Parents or guardians;

  3. Ascendant or collateral relative within the third degree of consanguinity;

  4. Officer, social worker or representative of a licensed child-caring institution;

  5. Officer or social worker of the Department of Social Welfare and Development;

  6. Barangay chairman of the place where the violation occurred, where the child is residing or employed; or

  7. At least three (3) concerned, responsible citizens where the violation occurred.”


Para sagutin ang iyong katanungan, ayon sa batas na ito, puwedeng magsampa ng kaso ang sinumang nag-aalala at responsableng mamamayan kung saan nangyari ang paglabag. Ang hinihingi lamang ng batas ay dapat hindi bababa sa tatlong tao ang lalapit upang magsampa ng kaso para na rin masiguro na totoong nangyari ang sinasabing pang-aabuso.


Ibig sabihin, maaari kayong magsampa ng reklamo para sa pang-aabuso ng inyong kapitbahay sa kanilang anak. Kinakailangan lamang tatlo o higit pang katao ang magsasampa ng reklamo, alinsunod sa batas.  


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.












Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page