top of page
Imee Marcos - FB.jpg

Pagsabog sa tapat ng DOJ, IED malapit sa Senado, iniimbestigahan na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | July 28, 2026



bomb threat sa DOJ - Pasay City Police

Photo: Pasay City Police



Iniimbestigahan ng Manila Police District-District Explosives and Canine Unit (MPD-DECU) ang pagsabog malapit sa entrance gate ng Department of Justice (DOJ) kahapon.

Ayon kay PMaj. Philipp Ines, inaalam ng DECU kung anong uri ng Improvised Explosive Device (IED), ang pinasabog, alas-12:17 ng hatinggabi.


Ang pagpapasabog ay ginawa sa araw ng ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Wala namang napaulat na nasawi o nasaktan sa insidente.

Samantala, nadiskubre naman sa center island sa Diokno Boulevard malapit sa harap ng gusali ng Senado ang mga materyales sa paglikha ng bomba, Lunes ng umaga sa Pasay City.


Base sa ulat ni Pasay police chief P/Col. Joselito De Sesto kay SPD Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, ipinaalam ng isang kawani ng towing service, alas-8:13 ng umaga, sa nagpapatrolyang pulis na may bomba sa center island sa Brgy. 76.


Agad namang nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng Explosive Ordinance Division (EOD) Team ng Pasay Police, kung saan nagsagawa ng masusing pagsusuri at dito nakumpirma na pawang mga materyales sa paggawa ng pampasabog ang natagpuan sa lugar kabilang ang isang 9-volts na baterya, blasting cap, orasan, at isang plastic jar na naglalaman ng brown na powdery substance.


Naging matagumpay at ligtas ang ginawang pagsusuri at paghawak ng team ng EOD sa hinihinalang IED nang walang nangyaring hindi maganda, ayon kay Police Col. De Sesto.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page