top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Pagrampa sa Paris, kahit sinasabotahe, wa' paki… "I'M HERE TO LIVE AND SHOP" — HEART

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 22, 2024
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida  | June 22, 2024


Showbiz News
Photo: Heart Evangelista / IG

Dinudumog sa Paris Fashion Week si Heart Evangelista kahit saan magpunta at hindi lang mga Pinoy ang nagkakagulo sa kanya, pati na rin ang mga foreigners. 


Ang dami ring nagpapapirma sa kanya ng autograph at ang lakas ng sigawan tuwing rumarampa siya at ang daming nakatutok na cellphone para kunan siya ng picture.


May tumawag nga sa kanyang “Darling of the Crowd” sa dami ng nagkakagulo. May concerned fan nga na nag-comment na kailangan ni Heart ng security guard dahil sa safety issue sa Paris. 


Sa reels, maririnig ang silbato ng pulis yata ‘yun para pigilan ang pagma-mob kay Heart. Ang cute lang, Heart speaks French ‘pag nasa Paris.


Anyway, may isinumbong si Heart sa kanyang 16.1M followers sa Instagram (IG). May sumasabotahe na naman daw sa post niya at ipinost nga ng aktres-model ang proof nito. 


Isa rito ang reklamo ng mga fans na nag-e-error kapag gusto nilang mapanood ang reels ni Heart. 


Ang isasagot ng IG ay “Try again later,” at may paliwanag kung bakit may error.


Sa nag-comment ng “Someone is fu***** up @iamheart’s Instagram! Ang desperado!” ang sagot ni Heart, “Thank you my love but this time around, they can report and sabotage all they want:) not here anymore for numbers, clout or work (in a sense). I’m here to LIVE and SHOP.”


May hula ang mga fans ni Heart kung sino ang nasa likod ng pananabotahe sa IG niya at kahit si Heart, alam siguro kung sino ang nasa likod nito. Pero, dedma na raw siya at magsa-shopping na lang.                                  


SB19 singer, gusto ring mag-artista… 

STELL, SI JESSICA SOHO ANG BACKER, PASOK SA MOVIE NG GMA-7 


Showbiz News
Photo: Stell Ajero / IG - Jessica Soho / FB

Pati mga celebrities, binulabog ng husay ni Stell Ajero nang mag-guest sa Hitman concert ni David Foster. 


Binisita namin ang Instagram nito at mababasa ang comment ng mga celebrities na nakipag-unahan sa mga fans sa pagko-comment. ‘Yung hindi nag-comment, nag-like naman.


Dalawang araw ding trending sa X (dating Twitter) ang performance ni Stell sa nasabing concert at masayang basahin ang comments ng mga audience. 


‘Yung hindi fans ng SB19 at hindi pa nga kilala si Stell, at sina David at Brian McKnight daw ang ipinunta sa Smart Araneta, umuwing isa nang convert Stell fan at A’TIN na siya.

Good and wise move nga ang ginawa ng concert producer na Media Quest Live o MQ Live na isa sa mga owners si Mr. Manny Pangilinan na idagdag si Stell sa line-up ng mga performers, dahil ipinakita nito ang husay niyang kumanta at mag-perform. Hindi siya nagpakabog.


Madodoble nito ang manonood sa concert nina Stell at Julie Anne San Jose na Ang Tinig dahil may mga comments na gusto nilang manood to see more of Stell and Julie Anne. May nag-inquire na rin kung magkano, kailan at saan sila makakabili ng tiket sa concert.


Sa mga hindi pa nakakaalam, on sale na ang tiket sa said concert happening on July 27-28 at the New Frontier Theater and directed by Paolo Valenciano.


Speaking of Stell, gusto rin pala nitong mag-artista at nabanggit ang tungkol dito sa interview sa kanya ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho


Ang promise ni Jessica na naging fan yata ni Stell nang mapanood sa Hitman concert, ipi-pitch niya si Stell sa horror movie ng GMA Public Affairs at GMA Pictures na Gabi ng Lagim: The Movie with Jessica as his backer, kaya pasok na sa movie si Stell.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page