Pagrabe ang lagay, 35.8 kls. na lang… KRIS, 'DI PA RIN GUMAGALING SA SAKIT
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 20, 2022

Almost two months nang nananahimik ang social media accounts ni Kris Aquino. Well and good, para sa iba. While the others ay may hindi magagandang comments pa rin for Kris.
But sa true lang, nakaka-miss din talaga si Kris dahil iba siyang bumasag ng kontrobersiya.
And for sure, sa naging isyu about her mother, the former President Cory Aquino na nagma-mahjong daw kasama ang mga madre, kung okay lang ang health ni Kris, malamang, siya ang unang-unang tumalak.
Pero dahil knows ng marami that she’s under treatment and nagpapagaling sa ibang bansa, tama lang na tumahimik si Kris. And we are all curious kung ano na kaya ang latest state ng health condition niya — bumubuti na ba o ‘di kinaya ng treatment na mawala ang ugat ng kanyang sakit.
Sinilip namin ang Instagram ni Kris, her last post was dated June 30. Pero sa caption, inilagay ni Kris at exact 12 noon, June 29, 2022 siya nag-post. Pa-thank you ni Kris sa lahat ng nanalangin para sa kanya ang laman ng kanyang mensahe. At sa huli, nag-promise siya na kapag may good news siya, magpo-post daw siya.
“Promise, 'pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me. In God’s perfect timing…(with three yellow hearts),” say ni Kris.
Until now ay wala pang bagong post sa kanyang Instagram si Kris. Ibig sabihin kaya nito, hindi bumubuti ang kanyang kalagayan? Hindi successful ang treatment niya?
Sana, ‘di true.





Comments