top of page

Pagpatay sa lady cop at anak, case closed na — DILG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | February 4, 2026



Jonvic Remulla sa Mollenido, Casauay murder case - DILG Philippines

File Photo: DILG



Sarado at nalutas na ang kasong pagpatay sa policewoman at anak nito na hiwalay na itinapon ang bangkay sa Bulacan at Tarlac.


Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla matapos sumuko sa mga otoridad ang pang-apat na suspek sa krimen.

Ayon kay Remulla, batay sa imbestigasyon, kakasuhan na ang mga pumatay kina Police Senior Master Sergeant Diane Mollenido at anak na si John Ysmael para panagutan ang nagawang krimen.


Tinukoy ni Remulla si Pia Katrina Panganiban bilang primary suspek kasama ang asawa nitong si Christian Panganiban na isang na-dismiss na police.


Huling nakitang buhay ang mag-inang biktima noong January 16 matapos magpaalam na pupunta sa bahay ng mga suspek para ibenta ang kanyang sasakyan at upang makumpleto ang bayad para sa bagong kotse.


Ayon kay Remulla, pinatay umano ng mga suspek ang mag-ina sa loob ng kanilang tahanan saka hiwalay na itinapon ang kanilang mga bangkay.


Sa ginawang follow-up ng mga otoridad ay nabawi sa suspek ang cellphone ng biktima at P100,000 cash at natagpuan naman sa Baguio City ang kotse nito.


Sinabi ng kalihim na isasailalim sa digital forensic test ang nabawing cellphone para sa iba pang ebidensyang makakatulong sa kaso.


Nabatid ng DILG na si Pia ay mayroong kinakaharap na reklamong estafa noong 2024 habang si Christian ay may record ng kidnapping at serious illegal detention noong 2017.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page