top of page
Search

by Info @ News | December 12, 2025



Sarah Discaya - Senate PH

Photo: Sarah Discaya - Senate PH



Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na hindi umano nila itinuturing na banta sa seguridad o mapanganib ang contractor na si Sarah Discaya kasunod ng kusa nitong pagsuko sa mga awtoridad.


Ayon kay Remulla, maayos ang naging koordinasyon ng DILG, National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine National Police (PNP) sa kaso ni Discaya.


Nahaharap sa kasong malversation of public funds at umano’y paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Discaya dahil sa P96.5 milyong ghost flood control project sa Davao Occidental.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 7, 2024




Sinabi ng Department of Interior and Local Government ngayong Linggo na itatatag nila ang isang recognition system na magmamasid, pipili, at magbibigay ng parangal sa pinakamalinis na mga barangay sa bansa.


Ayon sa DILG, ang inisyatibang ito ay katuwang sa direktiba ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. sa anyo ng 'Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan' o ang KALINISAN Program.


Noong Sabado, pinangunahan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang pambansang paglulunsad ng KALINISAN Program sa Baseco Compound sa Maynila.


Kaakibat nito, nanawagan si Abalos sa lahat ng local government units (LGUs) sa buong bansa na maglaan ng pondo para sa wastong solid waste management at ekolohikal na mga gawain, pati na rin ang pagsusulong sa mga lokal na otoridad na magpasa ng mga ordinansa na magtatakda ng parusa na community service para sa mga mahuhuling nagtatapon ng basura sa pampublikong lugar.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 6, 2024




Naglunsad ang pamahalaan ng isang pambansang kampanya sa paglilinis ngayong Sabado na tinatawag na "Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan" o Kalinisan program, na nakatutok sa pagpapabuti ng "bayanihan spirit" ng mga Pilipino sa pagkontrol ng solid waste.


Pinangunahan nina Interior Secretary Benhur Abalos at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes ang kampanyang paglilinis sa Baseco Compound, Manila.


Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), layunin ng programang ito ang pag-isahin ang mga programa ng ahensya sa pamamagitan ng pagkontrol ng solid waste, community gardening, at kampanya sa paglilinis.


Magkakaroon ng parangal para sa mga barangay, bayan, at probinsya na may pinakamalinis na paligid batay sa isang kriterya na ilalabas ng DILG.


Daan-daan naman ang mga boluntaryo mula sa Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at mga barangay ng Baseco Compound ang dumalo sa kaganapan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page