ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 5, 2024
Dear Chief Acosta,
Kahapon ay bigla na lang pumasok sa aming bahay ang ex-boyfriend ng aking kapatid at galit na hinanap ang aking kapatid. Kahit pinigilan ko siya at sinabihan na wala sa loob ang aking ate ay dumiretso pa rin siya at pumasok sa loob ng aming bahay. Katumbas ba ng trespassing ang kanyang ginawa?
– Vincent
Dear Vincent,
Ayon sa Article 280 ng Revised Penal Code, ang sinumang pribadong tao na pumasok sa tahanan ng iba nang walang pahintulot ay maaaring makasuhan ng trespassing. Nakasaad sa nasabing batas na:
“Art. 280. Qualified trespass to dwelling. — Any private person who shall enter the dwelling of another against the latter's will shall be punished by arresto mayor and a fine not exceeding 1,000 pesos.
If the offense be committed by means of violence or intimidation, the penalty shall be prision correccional in its medium and maximum periods and a fine not exceeding 1,000 pesos.
The provisions of this article shall not be applicable to any person who shall enter another’s dwelling for the purpose of preventing some serious harm to himself, the occupants of the dwelling or a third person, nor shall it be applicable to any person who shall enter a dwelling for the purpose of rendering some service to humanity or justice, nor to anyone who shall enter cafes, taverns, inn and other public houses, while the same are open.”
Hindi maaaring pumasok ang sino man sa tahanan ng ibang tao nang walang pahintulot ng may-ari. Sa iyong sitwasyon, dahil bigla na lang pumasok ang ex-boyfriend ng iyong kapatid sa inyong pamamahay nang walang paalam, sa kabila ng iyong pagpigil at sinabing wala ang iyong ate sa bahay, maaari siyang makasuhan ng trespassing.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments