top of page
Search
  • BULGAR

Pagpaparehistro ng Homeowners’ Association sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB)

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 2, 2021



Dear Chief Acosta,


Bago lamang ang aming subdivision dito sa aming probinsiya at balak naming magtayo ng homeowners’ association para rito. Kailangan pa bang iparehistro namin ang asosyasong ito upang ito ay kilalanin ng ating batas? – Allan


Dear Allan,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Section 4 ng Republic Act No. 9904, o mas kilala sa tawag na The Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations, kung saan nakasaad na:


“Section 4. Registration with the HLURB. – Every association of homeowners shall be required to register with the HLURB. This registration shall serve to grant juridical personality to all such associations that have not previously acquired the same by operation of the General Corporation Law or by any other general law.” (Binigyang-diin)

Sang-ayon sa nabanggit, kailangang iparehistro sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ang lahat ng mga homeowners’ association upang ang mga ito ay magkaroon ng sarili nilang juridical personality na kinikilala ng ating batas. Ibig sabihin, kailangan ninyong iparehistro sa HLURB ang inyong homeowners’ association upang ito ay kilalanin ng ating batas at magkaroon ito ng mga karapatan ng lehitimong homeowners’ association.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page