top of page

Pagpapaputok at pambubulahaw, maaaring mareklamo ng alarms and scandals

  • BULGAR
  • Apr 13, 2022
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 13, 2022


Dear Chief Acosta,

Ang mga pinsan ko po ay inireklamo para sa alarms and scandals. Ang nangyari diumano po kasi ay medyo nakainom sila noong nakaraang linggo nang madaling-araw. Ang isa diumano sa kanila ay nagpaputok ng mga “five star” na paputok, habang ang isa naman ay sobrang nag-ingay na nabulahaw na ang mga kapitbahay nila. Ano po ba ang posibleng parusa sa krimen na iyon?


Danilo



Dear Danilo,

Ang krimen na alarms and scandals ay nagaganap kung ang isang tao ay nagpaputok ng baril at iba pang uri ng armas o paputok at iba pang uri ng pampasabog na maaaring magdulot ng kapahamakan. Maaari rin ito mangyari kung ang isang tao ay nagsimula ng gulo o sumali sa isang gulo, o habang gumagala sa gabi o habang nakainom ng alak ay nagdulot ng panggagambala sa ibang tao o sa pampublikong lugar. Ang parusa sa krimen na ito ay arresto menor o pagkakakulong ng isa (1) hanggang tatlumpung (30) araw, o fine na hindi hihigit sa P40,000. Ito ay alinsunod sa Section 19 ng Republic Act (R. A.) No. 10951, ang bahagi ng batas na nag-amyenda sa Artikulo 155 ng ating Revised Penal Code (RPC).


Malinaw na nakasaad sa nasabing probisyon ng batas ang sumusunod:

“Section 19. Article 155 of the same Act is hereby amended to read as follows:

Art. 155. Alarms and scandals. — The penalty of arresto menor or a fine not exceeding Forty thousand pesos (₱40,000) shall be imposed upon:

1. Any person who within any town or public place, shall discharge any firearm, rocket, firecracker, or other explosives calculated to cause alarm or danger;

2. Any person who shall instigate or take an active part in any charvari or other disorderly meeting offensive to another or prejudicial to public tranquility;

3. Any person who, while wandering about at night or while engaged in any other nocturnal amusements, shall disturb the public peace; or

4. Any person who, while intoxicated or otherwise, shall cause any disturbance or scandal in public places: Provided, that the circumstances of the case shall not make the provisions of Article 153 applicable.”

Kung mapatunayan na sadyang nagawa ng mga pinsan mo ang alinman sa mga nabanggit na aktong ipinagbabawal ng batas ay maaari silang maharap sa kasong kriminal. At kung mapatunayan sa hukuman ang kanilang kriminal na responsibilidad ay maaari silang mahatulan ng pagkakakulong o pagbabayad ng kaukulang fine.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page