top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pagpapalit ng nominees ng one person corporation

BULGAR
Sep 14, 2022
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 14, 2022


Dear Chief Acosta,


Ako ay nagtayo ng One Person Corporation (OPC). Bilang nag-iisang stockholder nito, kinailangan kong magtalaga ng nominee at alternate nominee upang mayroong humalili sa akin, at mayroong mamahala sa aking kompanya, kung sakaling may mangyaring masama sa akin. Ano ang mga hakbang na dapat kong gawin kung nais kong palitan ang mga nabanggit na nominees? - Lyon


Dear Lyon,


Ang batas na sasaklaw patungkol sa iyong katanungan ay ang Republic Act No. 11232 o mas kilala bilang Revised Corporation Code of the Philippines. Nakasaad sa Section 126 ng nasabing batas:


“SEC. 126. Change of Nominee or Alternate Nominee. – The single stockholder may, at any time, change its nominee and alternate nominee by submitting to the Commission the names of the new nominees and their corresponding written consent. For this purpose, the articles of incorporation need not be amended.”


Ayon sa mga nabanggit na probisyon ng batas, ang single stockholder ng OPC ay maaaring magpalit ng kanyang mga nominee sa pamamagitan ng pagsumite ng pangalan ng mga nasabing nominee, kalakip ang kanilang written consent, sa opisina ng Securities and Exchange Commission (SEC). Malinaw din na nakasaad sa batas na ang Articles of Incorporation ay hindi na kailangan pang baguhin upang bigyang-bisa ang pagtalaga ng mga bagong nominees. Ang pagsumite ng pangalan ng bagong nominee sa SEC ay sapat na upang mabigyang-bisa ang nasabing pagpapalit.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page