Pagpapakawala ng Fukushima Nuclear contaminated water, hinaharang
- BULGAR
- Aug 24, 2023
- 2 min read
ni Jenny Rose Albason @News | August 24, 2023

Nanawagan ang ilang grupo na pigilan ang plano ng Japan na magpakawala ng Fukushima treated radioactive water sa Pacific Ocean sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery kahapon, Agosto 24.
Ayon sa director of media and public relations ng China Embassy in the Philippines na si Wu Chenqi, ang pagpapakawala ng nuclear contaminated water ng Fukushima ay may malaking epekto sa kalusugan ng mga tao, sa lahat ng bansa, at maging sa global marine environment.
Dagdag pa ni Chenqi, hindi umano ineendorso ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang pagpapakawala ng isang nuclear phenomena water sa karagatan.
"In terms of functional methods, IAEA is an international organization that promotes safe, secure, and peaceful use of nuclear technology and it's not the appropriate body to access the long-term impacts of the nuclear contaminated water on the marine environment and biological health," ani Chenqi.
Nagpaabot din ng mariing pagkondena ang National Spokesperson ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na si Ronnel Arambulo sa patuloy na pagsasawalang-bahala sa kanilang panawagan na huwag lasunin ang Pacific Ocean sa pamamagitan ng pagtatapon ng 1.3 bilyong metric tons ng toxic radioactive waste.
Magsasagawa rin umano ang grupong Pamalakaya ng pagkilos sa darating na Sabado sa Japanese embassy upang iprotesta ang planong pagpapakawala ng radioactive waste water.
Kinalampag din ni Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Mong Palatino si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na magsalita hinggil sa isyung ito.
Dapat daw umanong makipag-ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa iba pang gobyerno sa Asia-Pacific Region upang tumayo sa isyung ito. Kailangan umano natin ng independent panel para ma-review ang mga pag-aaral na ligtas magpakawala ng treated water galing sa Fukushima. "Ang sinasabi ng people's organization sa Pacific at ilang mga scientists, kung safe ang treated water, why not recycle it?" ani Palatino.
Suhestiyon pa nito, maghanap din umano ng mga alternatibong solusyon sa halip na magpakawala ng nuclear contaminated water sa Pacific Ocean.





Comments