Paghahatid ng mga VCMs at ballot boxes simula Abril 2 – Comelec

ni Lolet Abania | April 1, 2022

Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagta-transport ng mga vote counting machines (VCMs) at iba pang automated election system (AES) supplies sa iba’t ibang bahagi ng bansa simula madaling-araw ng Sabado, Abril 2.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez sa mga reporters ngayong Biyernes na ang mga AES supplies gaya ng VCMs at ballot boxes ay nakatakdang i-dispatched sa mga transportation warehouses na itinuturing bilang transit points.
“Loading started today, loading of the trucks that will be delivering the AES equipment and supplies to various locations nationwide,” saad ni Jimenez.
“So we’re starting the loading now. We expect it to be completed by around midnight tonight and then we will dispatch these trucks,” dagdag ng opisyal.
Ayon kay Jimenez, magpapatuloy ang delivery sa mga transportation warehouses ng mga naturang VCMs sa unang dalawang linggo ng Abril.
Binanggit din ni Jimenez na inimbitahan ni Comelec Chairperson Saidamen Pangarungan ang mga political parties, stakeholders, at media para saksihan nila ang pagsi-seal ng mga truck na magde-deliver ng AES supplies.
Mula sa mga transportation warehouses, ang AES supplies ay ide-deliver naman hanggang sa last mile o mga voting precincts na ayon kay Jimenez, “at the proper time.”





Comments