Pagpapabakuna ni P-Digong, pampalakas ng loob sa mga takot sa bakuna
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | May 09, 2021
Happy Mother’s day sa lahat ng mga nanay at tumatayong ina ng kanilang pamilya!
Hindi biro ang maging nanay, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Dahil marami sa atin ang working from home at ang mga kabataan naman ay nag-aaral sa pamamagitan ng distance learning, tila nadoble ang gawain ng mga nanay sa bahay. Lalong higit sa mga working moms na kailangang pagsabayin ang work from home at pangangalaga ng kanilang tahanan.
Ngayong araw na ito, huwag sana nating kalimutan na pasalamatan ang ating mga nanay sa lahat ng kanilang sakripisyo para sa atin at sana natin sa kanila ang ating pagmamahal!
☻☻☻
Magandang balita dahil nitong Biyernes ay dumating na ang 1.5 milyong doses ng Sinovac CoronaVac COVID-19 vaccine sa ating bansa.
Bukod dito, inaasahan din na darating ngayong buwan ang mga bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca mula sa COVAX facility ng World Health Organization.
Ang kailangan na lamang nating lampasan ay ang problema sa vaccine hesitancy ng ilan sa ating mga kababayan.
☻☻☻
Kamakailan ay nagpabakuna na si Pangulong Rodrigo Duterte at malaking tulong ito para umangat ang kumpiyansa ng ating mga mga kababayan na magpabakuna.
Naiintindihan nating may mga agam-agam ang ilan, lalo na ang ating mga senior citizens pagdating sa maaaring side effects ng bakuna.
Ngunit, ayon na mismo sa mga eksperto at medical professionals, mas maganda pa rin ang magpabakuna para masigurong protektado at ligtas mula sa malubhang epekto ng COVID-19.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments