Pagod na raw siya… SHARON SA MGA ANAK: MAGTRABAHO KAYO!
- BULGAR
- Dec 24, 2022
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | December 24, 2022

Pagod nang magtrabaho si Megastar Sharon Cuneta. ‘Yan ang naging rebelasyon niya during her tsikahan sa isang beauty expert kamakailan.
Nasabi ito ni Sharon nu’ng tanungin siya ng famous celebrity beauty doctor na si Aivee Teo tungkol sa ipinapatayong mansion ni Mega sa Silang, Cavite.
“I’m tired na,” bulalas ni Sharon.
Sa true lang, paulit-ulit na ring nasasambit ni Sharon ang mga salitang ‘yan these past few years.
Comment ng mga netizens na kaya raw nasasabi ni Mega na pagod na siya maybe because of lack of work and sadness ni Mega. Kasi nu’ng naging sunud-sunod ulit ang projects niya, ang saya-saya na naman niya.
And now, bumabalik sa ganitong mood ng pagkapagod si Mega dahil wala na naman siyang mga projects.
Hindi naman masisisi si Sharon dahil since 12 years old pa lang, “werk..werk..werk” na siya, sabi nga ng singer na si Rihanna.
“Parang I’m thinking, I should enjoy na lang my money,” say ni Sharon kay Dra. Aivee.
Naisip ni Mega na wala nang dahilan para siya magkumahog sa pagtatrabaho.
Say ni Mega, “‘Cause I’m thinking, these kids, you’re sending them to school so they can work for themselves. Why am I worrying about them? Magtrabaho kayo!”
Kaya pati ang pagpapatayo niya ng kanyang mansion sa Cavite ay ipinatigil muna ni Mega.
“It’s on pause. Not yet,” tsika ni Shawie kay Dra. Aivee.
Pinag-iisipan pa raw niya kung ititigil na niya o ipagpapatuloy pa ang pagpapagawa ng kanyang mansion dahil marami raw pagbabagong naganap.
Hindi naman klaro kung anik-anik ang mga pagbabagong naganap, either sa personal niya o sa bansa.
Duda ng mga netizens, may kinalaman ito sa six-months na LQ nila ng mister niya na si former Senator Francis “Kiko” Pangilinan.
“Pause lang, not naman stop. But it’s just a matter of ‘Do I wanna continue?’ Other places you can put your money in,” paglilinaw ni Sharon.
Well, let’s see.







Comments