Paglipat sa GMA-7, naudlot… BOY, 'DI PINAKAWALAN, KAPAMILYA PA RIN
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 24, 2022

On Saturday ay ise-celebrate ng King of Talk na si Boy Abunda ang kanyang 67th birthday.
Knowing Kuya Boy, never siyang nagpa-party for his birthday.
Okey na siya na kasamang magpunta sa New York — on or before his birthday — his long-time partner and PAGCOR executive na si Sir Bong Quintana.
Abangers na ang mga fans ni Kuya Boy kung saang network muli siya mapapanood. Last month kasi ay lumutang ang balitang babalik si Kuya Boy sa GMA-7.
Diumano, nagsabi na si Kuya Boy sa mga executives ng ABS-CBN na may offer sa kanya ang Siyete. And he needs to know kung may plano rin ang Dos para sa kanya till the end of September.
And now, malapit nang matapos ang October pero walang ingay sa pagbabalik ni Kuya Boy sa GMA-7.
Instead, ang latest chika na nakarating sa amin ay mukhang ‘di matutuloy ang paglipat/pagbabalik ni Kuya Boy sa Siyete.
Ayon sa aming source, mananatiling Kapamilya host si Kuya Boy. May show na raw na ibibigay sa kanya sa ABS-CBN.
Well, expected na namin ‘yan. May feeling talaga kami na ‘di hahayaan ng Dos na pakawalan si Kuya Boy.
Super-labs kaya siya ng mga ABS-CBN execs sa pangunguna nina Cory Vidanes at Lauren Dyogi.
Ganern!





Comments