Pagkukumpara ni Roque kay P-Duterte kay Lapulapu, sablay!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 30, 2021
SABLAY ANG PAGKUKUMPARA NI ROQUE KAY P-DUTERTE KAY LAPULAPU—Sablay ang paninipsip ni Presidential spokesman Harry Roque kay P-Duterte nang ikumpara niya kay Lapulapu ang pangulo bilang modern-day Lapulapu.
Imbes na matuwa ang mamamayan sa sinabing ito ni Roque, bash ang inabot niya at pati si P-Duterte ay nadamay sa pamba-bash kasi ayon sa netizens ay mali na ikumpara si Lapulapu sa pangulo, dahil nakipaglaban ito (Lapulapu) nang patayan sa mga Kastila huwag lang masakop ng grupo ni Ferdinand Magellan ang Mactan, pero ang pangulo ng Pilipinas ngayon, “nganga” lang sa pananakop ng China sa West Philippine Sea (WPS), boom!
◘◘◘
KAILAN MAGPA-PUBLIC APOLOGY SI ROQUE SA PAGKUMPARA KAY P-DUTERTE KAY LAPULAPU?—Nag-public apology na si Cavite Vice Gov. Jolo Remulla sa maling post sa kanyang social media account na imbes si Lapulapu ay si Magellan ang napagkamalang bayaning Pilipino at nag-sorry na rin si Sen. Bong Go sa mga taga-Mactan nang sabihin niyang Tausug si Lapulapu.
Ang tanong: Kailan kaya magpa-public apology o magso-sorry sa mga Pinoy si Roque sa kanyang pagkakamali nang ikumpara kay Lapulapu si P-Duterte dahil para sa mamamayan, hindi katanggap-tanggap na pagkumparahin ang dalawa kasi si Lapulapu ay unang Pilipinong bayani at si P-Duterte naman ang kauna-unahang pangulong nagpaka-“tuta” sa China, period!
◘◘◘
SINAKOP NA NGA ANG WEST PH SEA, TINANAW PA NI P-DUTERTE NA UTANG NA LOOB—Mistulang tinuldukan na ni P-Duterte ang isyu nang pananakop ng China sa West PH Sea nang isapublikong hindi niya ito kakalabanin dahil malaki ang utang na loob ng Pilipinas sa China, tulad ng donasyong 1 milyong bakunang Sinovac.
Onli in da ‘Pinas lang ‘yan, na ‘yung bansang sumakop sa teritoryo ng Pilipinas ay mistulang tinatanaw pa ng utang na loob ng pangulo, boom!
◘◘◘
13 SENADOR ‘TUTA’ NA RIN NG CHINA?—Labing-isang senador ang nag-file ng resolusyon na kumukondena sa pananakop ng China sa West PH Sea.
Aba, teka, bakit 11 senador lang, eh, 24 ang senador ng Pilipinas?
Nangangahuliugan ba ito na “tuta” na rin ng China ang 13 senador na hindi sumali sa pagkondena sa China? Buwisit!





Comments