top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pagkukulang nina Sharon at Gabby, iba ang pumuno…KC, SA BF NAKATAGPO NG KALIGAYAHAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 7, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 7, 2023




Kahit may tampo pa rin sa kanyang mom na si Sharon Cuneta, nagbitaw ng pangako si KC Concepcion na darating ang araw na patutunayan niya sa lahat na mahal na mahal niya ang ina. Siya ang mag-aalaga kay Sharon sa pagtanda nito tulad ng ginawa niyang pag-aalaga sa kanyang Mamita Elaine Cuneta (SLN).


Kahit na pinili ni KC na dumistansiya muna kay Sen. Kiko Pangilinan at sa iba pa niyang kapatid kay Sharon, hindi ito nangangahulugan na pinutol na niya ang ugnayan nila ng kanyang ina. Gusto lang niya ngayon ng tahimik na kapaligiran at panatag na isipan.


May ilang netizens ang nakaka-relate sa sitwasyon ni KC, kaya nakikisimpatya sila sa kanya dahil alam nila ang feeling na parang nag-iisa at walang matatawag na sariling pamilya. Hindi rin sapat na nagkikita at nagkakausap sila ng kanyang dad na si Gabby Concepcion.


Hindi na rin kasi siya nabibigyan ng mahabang panahon ni Gabby para makapag-bonding dahil may sarili na rin itong pamilya.


Sa ngayon, sa kanyang nobyo na isang Fil-Swiss na si Steve Michael ‘Mike’ Wuethrich nakakaramdam si KC ng pagdamay at pagmamahal. Wish ng kanyang mga fans ay natagpuan na nito ang kanyang ‘the one’.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page