top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagkandidato kuno ni P-Digong sa pagka-VP sa 2022, lalangawin?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 3, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | September 03, 2021



Hindi lang sa national level may gusot sa PDP-Laban kundi maging sa mga lalawigan.

At huwag ka, dinededma rin ang gimik na pagkandidato kuno ni P-Digong bilang vice-president sa 2022 elections.


May away din ang PDP-Laban sa Pangasinan!


◘◘◘


DINEDMA ni Pangasinan Gov. Amado Espino III ang collective statement ng 41 gobernador sa iba’t ibang lalawigan na nag-eendorso sa nomiinasyon ni P-Digong bilang vice-president candidate ng PDP-Laban.


Ibig sabihin, delikado ngayon ang buong tiket o mga kandidato ng PDP-Laban sa Pangasinan.


◘◘◘


TULAD ng kanyang BFF ni Espino, tumalikod na rin mula sa PDP-Laban ang dating party leader ng administrasyon na si dating Transportation Undersecretary Thomas “Tim” Orbos.


Sinasabing isa si Orbos sa nagtutulak sa kandidatura ni Mayor Isko.


◘◘◘


LEAD convener si Orbos ng “Ikaw Muna Pilipinas” movement na nage-endorso kay Yorme.


Malaking gawak sa PDP Laban ang diskarte nina Espino at Orbos.


◘◘◘


MAY nagpapatutsada namang walang utang na loob sina Espino at Orbos sa dating partido nila na PDP Laban.


Una nang tumakbo sa ilalim ng PDP Laban sina Orbos at Espino noong 2019 midterm election, ngunit natalo ang una ni Arnold Celeste bilang kongresista ng unang distrito ng Pangasinan.


◘◘◘


NAKAPAGTATAKANG hindi pumirma si Espino III sa nasabing collective statement gayung ang ama nito na si dating Rep. Amado Espino, Jr. ay chairman ng PDP Laban sa Pangasinan, pero natalo ni Ramon Guico III sa nakaraang election bilang kongresista sa ika-5 distrito.


Si Guico ay tatakbo bilang gobernador ng Pangasinan sa 2022.


◘◘◘


AYON kay Orbos, umaasa siyang gagawin ni MAyor Isko ang tulad ng ginagawa niya sa Maynila.


“What he did and is still doing in Manila is from his heart, from his desire to help the people of Manila. I hope that he can do the same for the nation,” wika ni Orbos.


◘◘◘


MABIGAT ang sitwasyon ni Espino dahil tiyak na kukuyugin siya ng mga miyembro ng PDP Laban na kanyang tinalikuran.


May susunod ba kay Espino o siya ay maiiwanan siya sa pansitan sa Pangasinan?


Hintayon ang susunod na kabanata!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page