Pagkalat ng isyu, tigilan na raw… BIANCA, THIRD PARTY DAW SA HIWALAYAN NI CELESTE AT TATAY NG ANAK, GMA-7, NAGSALITA NA
- BULGAR

- 6 days ago
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | June 14, 2026

Photo: IG _celeste_cortesi & FB Bianca Manalo
Ipinagtanggol ng Sparkle GMA Artist Center ang kanilang talent na former beauty queen-aktres na si Bianca Manalo kaugnay ng kumakalat na isyung siya umano ang dahilan ng hiwalayan ng beauty queen na si Celeste Cortesi at ng ama ng dinadala nito.
Pinabulaanan ng kampo ni Bianca ang isyu sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag.
Ayon sa anunsiyo, “On behalf of our Sparkle artist, Bianca Manalo, we would like to clarify that there is no truth to rumors circulating about her involvement with another couple. She is single and not in any relationship. We hope this settles the matter and we ask all to discontinue the spread and click kindness instead.”
Gayunman, naglabasan pa rin ang iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizens.
Maging ang naging relasyon noon ni Bianca kay Sen. Win Gatchalian ay muling napag-usapan.
May ilan ding nagpahayag ng pagdududa sa isyu, habang ang iba naman ay nagsabing dapat hintayin ang katotohanan bago magbigay ng anumang paghuhusga.
NAGULAT ang ilang tagahanga sa desisyon ni Lani Misalucha na alisin ang ‘Asia’s’ sa kanyang matagal nang bansag na ‘Asia's Nightingale’ at ipakilala ang sarili bilang ‘The Nightingale’.
Ayon kay Lani, hindi ito dahil sa anumang negatibong dahilan kundi upang maging mas malawak at mas natural ang kanyang pagkakakilanlan bilang artista.
Ipinaliwanag niyang minsan ay nagiging masyadong regional ang paggamit ng salitang ‘Asia’s’ at nais niyang ang kanyang musika ang higit na magpakilala sa kanya.
Binalikan din niya ang panahon ng kanyang pagtatanghal sa Las Vegas kung saan minsan siyang tinawag na ‘New Siren of the Strip’.
Well, matagal na rin umano niyang gustong gamitin ang bansag na ‘The Nightingale’ ngunit nang makilala siya sa Pilipinas bilang ‘Asia’s Nightingale’, ipinagpatuloy niya ito sa loob ng maraming taon.
Nilinaw din ng beteranang singer na wala siyang anumang sama ng loob sa pagbabagong ito. Para sa kanya, mas mahalaga ang musika at ang koneksiyon niya sa kanyang mga tagapakinig.
Ibinahagi rin ni Lani Misalucha ang kanyang hangaring makatrabaho ang P-pop sensation na BINI, gayundin ang mga banda na Cup of Joe (COJ) at Over October.
Para sa kanyang mga tagahanga, hindi ito pagtalikod sa kanyang pinagmulan kundi panibagong yugto sa kanyang mahigit tatlong dekadang karera.
AYON sa ulat ng PEOPLE, naghiwalay na sina Ariana Grande at Ethan Slater matapos ang halos tatlong taong relasyon.
“Mapayapa ito. Binigyan nila ito ng maraming oras at maingat na pagsasaalang-alang bago nagpasyang maghiwalay,” ayon sa source ng PEOPLE.
Bagama’t hiwalay na, nananatili umanong maayos ang kanilang samahan at suportado pa rin nila ang isa’t isa.
Ilang buwan na rin umano silang magkahiwalay bago pa lumabas sa publiko ang balita.
Nagsimulang maiugnay ang dalawa noong Hulyo 2023 matapos silang magsama sa paggawa ng pelikulang Wicked.
Kasalukuyang abala si Ariana sa kanyang The Eternal Sunshine Tour (TEST). Noong Nobyembre, 2025, sinabi niyang maaaring matagal bago siya muling mag-concert tour dahil nais niyang pagtuunan ng pansin ang iba pang bahagi ng kanyang karera.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.





Comments