top of page

Pagkakalat ng video, may kaukulang parusa

  • BULGAR
  • Jun 28, 2022
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 28, 2022


Dear Chief Acosta,


Gumawa kaming mag-asawa ng video ng aming pagtatalik. Nang kami ay maghiwalay, tinatakot niya akong ikakalat ang mga ito. May pananagutan pa rin ba ang aking dating asawa kahit na may pahintulot ko ang pagkuha ng nasabing video? - Aya


Dear Aya,

Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Seksyon 4 ng Republic Act No. 9995 o mas kilala bilang “Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009,” na:


“Section 4. Prohibited Acts. - It is hereby prohibited and declared unlawful for any person:


xxx


(c) To sell or distribute, or cause to be sold or distributed, such photo or video or recording of sexual act, whether it be the original copy or reproduction thereof; or


(d) To publish or broadcast, or cause to be published or broadcast, whether in print or broadcast media, or show or exhibit the photo or video coverage or recordings of such sexual act or any similar activity through VCD/DVD, internet, cellular phones and other similar means or device.


The prohibition under paragraphs (b), (c) and (d) shall apply notwithstanding that consent to record or take photo or video coverage of the same was given by such person/s. Any person who violates this provision shall be liable for photo or video voyeurism as defined herein.” (Binigyang-diin)


Ibig sabihin, kahit may permiso ng mga partido ang pagkukuha ng video ng kanilang pagtatalik, ang mismong pagpapakalat ng nasabing sex video ay maliwanag na ipinagbabawal pa rin ng ating batas. Kabilang dito ang pagbebenta, pamamahagi, paglathala at maging ang pagpapakita ng nasabing video sa internet, cellphones at iba pang mga aparato.


Ang paglabag sa nasabing probisyon ng batas ay may kaukulang parusa na pagkakakulong mula tatlo hanggang pitong taon, o multa (fine) mula Php 100,000 hanggang Php 500,000 o parehas na pagkakakulong at multa.


Kaya naman, kung itutuloy ng inyong asawa ang kanyang plano na ikalat ang inyong sensitibong video, maaari siyang mapanagot sa batas at mapatawan ng kaukulang parusa alinsunod sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page