Pagiging positibo sa COVID ni Roque, ikinatuwa ng mga tambay sa social media
- BULGAR
- Mar 16, 2021
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 16, 2021
ROQUE, IMBES NA IPAGDASAL, PINAGTAWANAN PA NG NETIZENS—Matapos ianunsiyo ni Presidential spokesman Harry Roque na siya ay nagpositibo sa COVID-19, imbes na ipagdasal ang kanyang kaligtasan, ginawa pang katatawanan ng netizens sa social media ang kanyang sitwasyon.
Hindi masisisi ang netizens na mistulang natuwa sa sinapit ni Roque sapagkat parang resbak nila ito sa madalas na pananaray ng presidential spokesman sa publiko, period!
◘◘◘
HUWAG MUNANG MAG-FB SI ROQUE KASI MASASAKTAN LANG SIYA KAPAG NALAMAN NIYANG HINDI SIYA LOVE NG NETIZENS—Habang nagpapagamot sa COVID-19, iwasan muna ni Roque ang paggamit ng Facebook.
Masasaktan lang siya kapag nakita o nabasa niya ang mga comments sa social media kasi nga karamihan ay natuwa pa nang siya ay magka-COVID-19, na pagpapakita na hindi siya love ng mayoryang netizens, boom!
◘◘◘
BAKA NEXT NA BATAS NA GAWIN AY MAGDALA NG PAYONG ANG MGA PINOY KAPAG UMUULAN—Ibinida ni Speaker Lord Allan Velasco na pasado na ang pagbabawal ng mga billboard kapag may bagyo sa Pilipinas.
Pambihira naman, awtomatik na ‘yan na talagang tinatanggal ang mga billboard saanmang lugar kapag may bagyo sa bansa.
Hay naku, baka sa susunod niyan ay gumawa na rin ng panukalang-batas na magdala ng payong ang mga Pinoy kapag umuulan, boom!





Comments