Pagiging iresponsable ng pamunuan ng NLEX, ‘wag palampasin!
- BULGAR

- Dec 10, 2020
- 1 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | December 10, 2020
Walang malinaw na detalye ang ulat na nabaril at namatay ang isang department head ng NBI.
Eh, bakit?
◘◘◘
Nahaharap ngayon si Justice Marvic Leonen sa impeachment complaint.
“Political process” ito — paramihan lang ng boto ng mga kongresista.
Pusoy ang “hare”!
◘◘◘
Tama ang paniniwala ng city government ng Valenzuela, iresponsable ang NLEX.
Ubod nang bagal at kakaunti ang staff na ginamit sa pagkakabit ng sticker ng RFID.
Bakit sa SLEX, nakaayos at mas mabilis?
◘◘◘
Saksi ang mga motorista sa sinadyang kupad at kapalpakan ng NLEX.
Dapat kastiguhin ang Toll Regulatory Board na hindi kinakastigo ang tama at ugok na NLEX management.
Dapat silang parusahan!
◘◘◘
Maaaring sinasabotahe ang pagkakabit ng RFID kung saan “palpak ang work force” at ayaw gumastos ng NLEX management.
Ibig sabihin—nagtitipid sila pero pinerhuwisyo ang taumbayan.
Dapat silang magmulta o magbayad ng danyos!
◘◘◘
Kahit makupad at palpak ang NLEX—hindi rin naglagay ng “cash” sa tollgate kumpara sa SLEX na naglagay ng “cash sa entrance” kahit maayos ang kanilang pagkakabit ng sticker.
Dapat imbestigahan ang kawalanghiyaan ng NLEX!
◘◘◘
Magkakaiba ang ulat kung kailan magsisimula ang aktuwal na pagbabakuna kontra COVID.
Sa totoo lang, may ilang Pinoy ang sumasailalim sa trial pero hindi ibinubunyag.
‘Yung kasama sa eksperimento ay aktuwal na nakakatikim ng bakuna—sila ang unang mabibiyayaan ng bakuna!
◘◘◘
Confidential ang COVID vaccine trial pero dapat ipinaliliwanag ito nang mabuti.
Halimbawa, may nag-ismagel ng Pfizer vaccine papasok sa Pilipinas mula sa U.S. at Britain ano ang “opinion” dito ng DOH at IATF.
‘Yan ang dapat itanong ng mga tamad na reporter at news anchor!
◘◘◘
Kapos nang kaalaman ang media kaya’t kapos din ang impormasyon na dumarating sa mamamayan.
Ang ismagling ng bakuna ay tiyak na mararanasan natin.
Imposibleng magpahuli ang mayayamang Pinoy sa pagpapabukana!





Comments