top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagiging COVID positive ni Roque, pinagdududahan ng netizens, gusto lang mag-staycation

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 23, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 23, 2021



ANG DAMING IPINAGBAWAL SA CAVITE, PERO ANG JUETENG-CON PERYA NG BAYAN, DEDMA—Matapos mapabilang ang Cavite sa mga lalawigang ibinalik sa GCQ (General Community Quarantine) dahil sa pagdami na naman ng mga tinatamaan ng COVID-19, nag-post sa social media si Gov. Jonvic Remulla ng “15 bagay na ipinagbabawal sa kanyang jurisdiction”, pero ang nakapagtataka ay hindi kasama sa kanyang mga ipinagbawal ang pagbabahay-bahay ng mga kubrador para magpataya sa ala-jueteng na “Perya ng Bayan” nina “Mr. Yap” at “Manalac” sa lalawigan.


Mantakin ninyo, ang linaw na may paglabag sa health protocol ang pagpapataya ng ganitong uri ng sugal ng mga kubrador kasi nagkakaroon ito ng close contact sa mga mananaya, tapos ‘yan pang jueteng-con Perya ng Bayan ang hindi ipinagbawal, buwisit!


◘◘◘


“RUN SARA RUN”, HINDI BAWAL SA GCQ?—Kabilang ang Laguna sa ibinalik sa GCQ, pero may mga DDS pa rin na nagsagawa ng motorcade para sa panawagan “Run Sara Run”, at hindi lang ‘yan, may nakita pa sa social media na mga nagkakabit ng tarpaulin nito.


Ano’ng ibig sabihin niyan, na sa dami ng bawal sa ilalim ng GCQ, exempted sa bawal ang mga nagmo-motorcade at nagkakabit ng tarpaulin na “Run Sara Sara”? Buwisit!


◘◘◘


BALIK-GCQ NA ILANG LUGAR PERO SI PANELO, “RUN SARA RUN” PA RIN—Matapos isailalim sa GCQ ang Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan at panatilihin sa GCQ ang Metro Manila dahil sa dami ng nagkaka-virus sa mga lugar na ito ay muling lumantad sa publiko si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.


Aniya, sinabihan niya si Mayor Sara Duterte-Carpio na sa ayaw at sa gusto nito, destiny ng presidential daughter ang maging next president ng Pilipinas.


Hay naku, kandahirap na naman ang mamamayan sa GCQ, tapos si Panelo ayaw pa rin maglubay sa “Run Sara Run”, pwe!


◘◘◘


DUDA NG PUBLIKO, WALANG COVID-19 SI ROQUE, GUSTO LANG MAGBAKASYON—Dahil ayaw ipakita ni Presidential spokesman Harry Roque sa publiko ang resulta ng kanyang swab test, may pagdududa ngayon ang mamamayan na hindi ito nagka-COVID-19.


Duda ng mga publiko ay baka gusto lang magbakasyon-grande ni Roque sa hotel na kinaroroonan niya ngayon na ginawa niyang sarili niyang isolation center kasi sa gitna ng pandemya ay ang dalas niyang mag-viral sa social media, na kung saan-saang lugar siya nakikitang nagbabakasyon, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page