top of page

Paggising pa lang daw, nega na ang naiisip… CONGW. VILMA, UMAMING NAGKAROON NG ANXIETY AT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9, 2021
  • 2 min read

DEPRESYON DAHIL SA PANDEMIC.


ni Julie Bonifacio - @Winner | August 09, 2021


ree

Inamin ni Lipa City Representative Vilma Santos-Recto na siya man ay nagkaroon ng anxiety at nakakaramdam ng depresyon dulot ng COVID-19 pandemic.


Sinabi ito ni Rep. Vilma during her eldest son's Luis Manzano's live tsikahan on Facebook and Instagram last Friday.


Kasama kasi ni Rep. Vilma sa kanyang bahay si Luis at ang misis nito na si Jessy Mendiola. Then later on, nag-join din sa kanila ang youngest son ni Rep. Vilma na si Ryan Christian.


Mukhang sa bahay ni Rep. Vilma mas pinili nina Luis at Jessy na mamalagi habang naka-lockdown ang Metro Manila.


It was also Rep. Vi's first experience raw na mag-live sa Facebook kaya sobra niyang na-enjoy.


A question was asked kay Rep. Vi mula sa netizen kung ano ang maipapayo niya sa mga nakakaranas ng anxiety.


“Huwag kayong mag-alala kasi ako rin po, nakakaramdam. Itong one-and-a-half year na natin ngayon dito sa COVID na pandemya, ito na naman, ECQ. Hindi lang kayo, pati po ako, nagkakaroon ng anxiety, nagkakaroon ng depression,” pag-amin ni Rep. Vi.


Minsan daw, pagkagising niya ay negative agad ang naiisip niya.


Aniya, “Parang malungkot agad ako. Nasa isip ko po, ‘What's going to happen today?’ Ganoon na. Pero kailangang labanan n’yo po. Challenge 'yan na dumadaan sa atin.”


Ibinahagi naman ni Rep. Vi kung ano ang ginagawa niya para labanan ang napi-feel na anxiety and depression.


Aniya, “Ako po, nilalabanan ko po by doing something positive. Praying. I exercise. And then, I do my Zoom. Nagtatrabaho ako sa Zoom, sa Congress. And then, sa Lipa po through Zoom. Kahit 'di po physical, binabantayan ko po. Naka-monitor po ako sa mga ibinibigay na financial assistance. So, may ginagawa ako.”


Bagaman, pagdating daw sa gabi ay nalulungkot na naman siya.


Dagdag pa niya, “But then again, nand'yan na naman ang pamilya. So, nandiyan lang po ‘yan. Stay with your friends.”


Payo ni Rep. Vi, “Lalagpas din po ‘yan. You pray. May mga kaibigan kayo, talk to your friends. ‘Pag hindi n'yo na kaya at grabe na, seek professional help. At nand'yan naman 'yung mga handang tumulong.”


‘Yun na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page