top of page

Anak sa ibang babae na boksingero na rin… PACQUIAO, ‘DI RAW BINIGYAN NG MAAYOS NA BAHAY SI EMAN BACOSA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 11, 2025
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | November 11, 2025



LETS SEE - RONNIE, TODO-PAYAMAN SA NEGOSYO NILA NI LOISA_IG _iamr2alonte

Photo: Pacquiao



TUNAY namang naging instant celebrity si Eman Bacosa Pacquiao lalo’t mismong si Papa Piolo Pascual ang nagbigay-payo rito.


Hindi naman na-offend si Papa P na matawag itong kamukha niya dahil kitang-kita naman ang kapogian ng batang boksingero. 


Nagkaroon pa ng moment na umakting-akting sila at nag-sparring pa sa boksing.

Sa napanood naming panayam dito ni kaibigang Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), mararamdamang mabait at mabuting bata si Eman, na halata ring sabik na sabik ito sa pagmamahal ng isang ama kaya’t may reels na makikita itong yumayakap at humahalik sa amang si Manny Pacquiao. 


Sa Japan pala halos ito lumaki at nag-aral at magaling din siyang magsalita ng Hapones. 

Ang kinikilala niyang ‘ama’ ngayon na partner ng kanyang ina ang nagsisilbi niyang coach sa pangarap niyang maging mahusay ding boksingero.


‘Yun nga lang, sa ipinakitang video kung saan sila nakatira rito sa Pilipinas, nakakuha ng grabeng pamimintas si Manny. Na kesyo sa sobrang yaman nito ay tila hindi man lang daw nito nabigyan ng maayos na tirahan ang anak. Na kesyo mukha umanong hindi ito nababahaginan man lang ng bilyones nito o sadyang tinitipid ito, etc..


Pero wala ka ngang maririnig na complain man lang kay Eman dahil sa ilang photos pa, makikita namang tanggap siya bilang anak ni Manny at kapamilya nina Jinkee at ng mga anak nila.



Ginamit lang daw ang pera ng girl…

BAGONG LABS NI CLAUDINE, HINAHABOL NG EX NA TAGA-CANADA



Sa gitna ng mala-delubyong dala ng Bagyong Uwan, heto at may pasabog na naman si Claudine Barretto.


Nitong Lunes nga ay muling nagpasabog sa kanyang socmed account si Claudine na tila inaaway ang isang babae o tinawag niyang ‘side chick’ ni Milano Sanchez. 


Si Milano ang lalaking romantically involved ngayon sa aktres.

Ayon sa post ni Claudine, tila patuloy daw silang ginugulo ng babae lalo na ang umano’y mga kasinungalingan nito tungkol kay Milano. 


Binantaan pa ito ni Claudine na tumigil na kung ayaw nitong maresbakan ng giyera niya.


Ayon sa aming mga nakalap, taga-Canada ang girl na sinasabing dating karelasyon ng kapatid ni Ateng Korina Sanchez, na diumano’y naging pasakit din at may tsismis pang ginamit lang umano ang pera ni girl.


May mga nagpapayo naman kay Claudine na tumigil na sa mga ganoong hanash lalo’t hindi na raw nabago ang imahe nitong ‘giyerera’ sa showbiz. Na kesyo mas ipinapakita raw nitong may something nga ang mental state nito kaya’t vindicated na naman daw si Raymart Santiago.


May mga nagsabi pang sa daming beses na nag-comeback si Claudine, dapat daw na hindi na ito gumagamit ng ganitong publicity o gimik dahil nasasayang lang at nawawalan daw ng saysay ang husay nito bilang isang aktres.


Kasalukuyang napapanood si Claudine sa Totoy Bato (TB) sa TV5 at may tsika pa ngang may movie itong gagawin, plus another soap na based on famous Korean series.



MUKHANG natuloy naman ang civil wedding ni Neil Coleta sa kanyang long-time partner na si Jazmin Chinnei. 


Dating dancer si Jazmin sa mga naging programa ni Kuya Willie Revillame sa TV.

Nang makapanayam namin si Neil last Saturday, naikuwento nitong nakatakda silang magpakasal last Monday (Nov. 10) ng live-in partner niya dahil lumalaki na nga ang dalawa nilang anak.


“Iba s’yempre ‘yung legal na legit, ‘di ba? Matagal (6 years) na rin kaming nagsasama as husband and wife at ‘yung dalawang girls namin (4 and 2 years old), sila ‘yung excited na makasal kami,” tsika ni Neil.


Although civil wedding pa lang daw ito at walang masyadong showbiz friends na imbitado o kasali sa entourage, maliban kay Karla Estrada bilang tatayong ninang, “Special pa rin s’ya for us. May plano pa rin naman kaming magkaroon ng church wedding.”


Busy si Neil sa naipundar nilang negosyo at dahil taga-Dasmariñas, Cavite siya, kinuha nga rin siya ng FiberBlaze internet and cable company bilang isa sa mga

brand ambassadors nito. 


“Actually, ambassador na po nila ako years ago pa. Matagal na rin naming ginagamit at pinagkakatiwalaan ang internet at cable services ng FiberBlaze. So far, wala kaming mai-complain dahil very reliable s’ya. Hindi ako magtatagal sa kumpanya nila kung hindi ako naniniwala sa kanila,” pahayag ni Neil.


Matagal nang nag-o-operate sa Cavite area ang nasabing internet and cable provider. Ngayon ay nais naman nilang palawakin ito within the Laguna area and eventually sa iba pang karatig-probinsiya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page