Hirap na sa pagod at puyat sa showbiz… RONNIE, TODO-PAYAMAN SA NEGOSYO NILA NI LOISA
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | November 10, 2025

Photo: IG @iamr2alonte
Although nami-miss daw ni Ronnie Alonte ang umarte at pumunta sa mga taping, mas nais niya raw na tutukan ang kanilang mga negosyo at maging mas mahusay na basketball player.
“Marami rin kasing oras ‘yung parang nasasayang (for TV or movies). Nakaka-miss magtrabaho, pero hirap pa rin kasi ako ru’n sa mahahabang hintayan sa set, mga puyatan, ganu’n.
“At least sa negosyo, tutukan mo lang nang maayos, ikaw ‘yung may kontrol sa oras. ‘Yung basketball naman, hindi mo talaga matatanggal sa akin,” pahayag ni Ronnie.
Meron na pala silang resort type staycation venue sa Tagaytay at sa Zambales, na nasa beach front mismo. Magkasosyo sila ni Loisa Andalio na ayon pa sa kanya ay going strong naman ang relasyon nila at happy sila.
Although mas busy nga lang daw si Loisa ngayon sa movies at nandiyan lang siya to support.
Nabanggit din ni Ronnie na may sistema umano sa showbiz na hindi niya talaga ma-gets.
“‘Yung palakasan, ‘yung padrino system, ‘yung tipong ipinangako na sa ‘yo ‘yung project pero nasusulot pa ng iba, mga ganu’n. Ang hirap. Medyo may trauma tayo sa ganu’n,” sey nito na hindi na nag-elaborate pa.
Kinuhang brand ambassador ang guwapong aktor ng FiberBlaze, isang internet at cable TV provider na nag-o-operate sa Cavite at Laguna provinces.
At dahil taga-Biñan, Laguna nga si Ronnie, pinagkatiwalaan siya ng mga may-ari ng naturang cable company na maging ambassador nila sa Laguna province.
Sey pa ni Ronnie, “S’yempre, kung FiberBlaze ang klase ng internet at cable na ginagamit namin mismo sa bahay at sa mga negosyo namin, nakakasiguro kami sa mga ipinapangako nitong high speed connectivity at iba pang services.
“At saka malay natin soon, baka maging parte na rin ito ng pagpapalago namin ng negosyo namin.”
Ohhh, why not coconut, Ronnie!
Sa husay mo ngayong mag-explain ng mga pinasok ninyong negosyo ni Loisa, hindi kami magugulat if sooner or later ay big time entrepreneur na kayo.
Congrats and good luck!
Ramdam na ramdam namin ang galit ni Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang naging Instagram post kaugnay ng pagbaha sa Cebu.
Muli niyang ginamit ang video ni Ma’am Gina Lopez na nagpapaalala ng tamang pagtrato sa ating kalikasan.
At sa kanya ngang naging komento rito, inuusig nga ni Regine kung sino ang dapat na managot sa gobyerno na nagbibigay-permiso sa mga kumakalbo ng bundok, atbp..
Halatang-halata na diretso niya itong isinulat at ipinost dahil hindi na nito nagawang i-edit pa ang mga spelling o nawawala o kulang na mga letra sa pagbuhos ng kanyang emosyon.
Halimbawa riyan ay ang pagtanong niya kung sino ang magsasalba sa atin kapag may bagyo? ‘Bayo’ ang naisulat nito imbes na bagyo. Nang isumbat niyang ang kakapal ng mukha ng mga nasa gobyerno at sila ang sinisisi nito, ‘kakakal’ lang ang naisulat ng Asia’s Songbird.
Halatang galit talaga si Mama Regine.
Ang importante naman sa naging ‘sumbat-panawagan’ ni Regine Velasquez-Alcasid ay nai-deliver niya ang mensahe, ayon pa sa mga nakabasa nito.
DAHIL sa tagumpay ng kanyang 50th anniversary concert last September, magkakaroon ng repeat ang Nonoy Zuñiga-Beyond Gold: Songs of a Lifetime show.
Ngayong darating na December 9, magsisilbing pre-Christmas treat ng music icon ang concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater kasama sina Pops Fernandez, Nina, Dulce, Rey Valera, Marco Sison at Lani Misalucha.
Ay, sus! Sa mga guests pa lang ay solb na solb na ang mahihilig sa magagandang songs at magagaling kumanta.
Choosy pa ba tayo sa line-up na ganyan? Hahaha!
“Kung buhay pa sana sina Coriks (Rico Puno) at Hajji (Alejandro), tiyak na hindi sila papayag na wala sa listahan ng guests. Mga mahihilig magprisinta ang mga ‘yun. But seriously, nami-miss din namin sila and we want to dedicate this show para rin sa kanila. ‘Wag lang sana silang bibisita o magpaparamdam on that night,” ang natatawa pang biro ni Nonoy.
Ang mga usual na kanta raw ang maririnig gaya ng Kumusta Ka, Never Ever Say Goodbye, Doon Lang pero sey ni Nonoy, “May mga bagong touches, areglo at style na rin. Bilang halos lagi rin ako sa Tawag ng Tanghalan, amazed na amazed ako sa mga bagong tunog ngayon ng mga batang singer kaya’t sasabay tayo.”
And speaking of new artists, magge-guest din sa repeat concert ni Nonoy sina Isha Ponti at Andrea Gutierrez, bago pa man ang kanilang stellar concert on December 13 naman.
Ang mahusay na si Calvin Neria ang director ng concert kung saan ipinangako rin nitong hindi lang basta pag-revisit sa golden era ng OPM ang matutunghayan kundi ang mga hatid nitong pag-ibig, buhay at pakikibaka sa himig at tinig ng isang Nonoy Zuñiga.








Comments