top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Paggamit ng magkaibang brand ng first at second dose ng COVID-19 vaccine, pinag-aaralan na

BULGAR
Apr 25, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | April 25, 2021


Pinag-aaralan kung puwedeng gumamit ng magkaibang brand sa first at second dose ng bakuna.


Huh, puwede kung malayo ang pagitan!


◘◘◘


NAGTATAKA tayo kung bakit kailangan ipagyabang sa social media ang pagtulong sa kapwa.


Hindi ba puwedeng tahimik na lang?


◘◘◘


ISINUGOD sa ospital si Sen. Leila de Lima.


Nakalaya siya kung kailan nanganganib ang kanyang buhay!


◘◘◘


NAG-AAWAY ang mga opisya ng Maynila at Cavite.


Libre ang publisidad!


◘◘◘


WALANG excited sa mga susunod na talumpati ni P-Digong.


Parang “robot” na lang siya!

◘◘◘


SA kabila ng walang kuwentang “mensahe”, nanatili siyang popular sa ordinaryong tao.


Ordinaryo lang kasi ang “walang laman” ang idinadaldal sa publiko!


◘◘◘


BIBIHIRA lang ang mahusay magtalumpati.


Pinakabihasang mananalumpati ay si dating Pangulong Marcos!


◘◘◘


PINAKABIHASANG mambuska naman gamit ang talumpati ay si dating Sen. Ernie Maceda.


Sa ngayon, pinakamahusay mambuwisit ay si dating Speaker Peter Alan Cayetano!


◘◘◘


HINDI ka maiinip sa pakikinig kay Marcos kasi’y makakapulot ka ng karunungan.


Hindi iiwanan ang talumpati nina Maceda at Cayetano—makapupulot ka kasi ang estilo sa pang-aasar!


◘◘◘


MARAMI ang nakakagusto ng talumpati ni P-Digong.


Bakit?


Sa ngayon ay may depresyon ang mga tao, may insomnia at nahihirapang matulong.


Kahit walang sleeping pills, nakakatulog agad ang mga nakikinig sa talumpati ni P-Digong!


◘◘◘


SA totoo lang, therapeutic ang talumpati ni P-Digong.


Kay tagal mong hinintay, aantukin ka lang pala!


◘◘◘

MAHIRAP talaga ang maging pangulo.


Inaakala mong ikaw palagi ang tama.


‘Yung nais magpayo sa ‘yo ng “tama”, natatakot “tamaan”.


He-he-he!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page