Pagdepensa ni House Speaker Velasco sa mga ‘pulahan’, lantaran na, buwisit!

ni Ka Ambo - @Bistado | November 18, 2020
Pumapalag na rin ang mga militanteng propesor sa Ateneo.
Kumbaga, dumarami ang “magka-dong pula”!
◘◘◘
Lumalakas ang loob ng mga “pulahan” dahil nakakakita sila ng kakampi at kasimpatiya.
Mas grabe, may matataas na opisyal ng gobyerno na lantaran silang idinedepensa!
◘◘◘
Kahit ang Makabayang Bloc na ibinunyag ng dating kadre na miyembro umano ang mga kongresista ng CPP-NPA-NDF ay nagkaroon din ng kakampi.
Ikinababahala ito ng abogadong si Atty. Trixie Angeles sa pagsasabing hindi niya nagustuhan ang pagdepensa ni Speaker Lord Allan Velasco sa mga militanteng mambabatas!
◘◘◘
Itinuturing ng naturang abogado na pagkutya at panghihimasok sa AFP ang pagtatanggol ni Velasco sa Makabayang Bloc.
Kaugnay ito ng akusasyon ni AFP Southern Luzon Command Chief Gen Antonio Parlade na ang mga progressive solons ay may kaugnayan sa Communist Party of the Philippines (CPP)!
◘◘◘
Naniniwala si Angeles na sinira ni Velasco ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga communist group nang maliitin nito ang impormasyon na mula mismo sa AFP.
“With all due respect, Speaker Lord Allan Velasco. I understand you and all other congressmen are duly elected officials. And that you must speak this way to protect the men and women in Congress. But that does not mean you get to dictate military or legal strategy,” paliwanag ni Angeles.
◘◘◘
Makaapekto sa kampanya ng AFP laban sa mga rebelde ang pagdepensa ni Velasco sa mga militante.
“Are you are trying to stop the AFP? Please don’t. Maybe we can save families from being broken, kids from dying senselessly.Don’t you think it is worth it?” pasaring pa ni Angeles kay Velasco.
◘◘◘
Sa totoo lang, hindi naman si Parlade ang unang nag-akusa sa Makabayan Bloc.
Mismong si P-Duterte ang nagsabing may mga partylist groups sa Kamara ang may kaugnayan sa CPP at nagpopondo sa NPA!
◘◘◘
Sa totoo lang, seryoso si P-Digong na baguhin ang lipunan at magagawa lang niya ito kung susuportahan ng taumbayan ang kanyang kursunadang lider na papalit sa kanya.
Sa ngayon, iisa lang ang kursunada ni P-Digong na pumalit sa kanya—at ito ay si Sen. Manny Pacquiao!
◘◘◘
Mula sa ibayong hirap tungo sa ibayong tagumpay, tinalo ni Pacquiao ang karukhaan na siyang magiging pormula niya sa pagresolba sa kahirapan ng mamamayan.
Wala nang gaanong bisyo ang senador at nakapokus siya sa kanyang mithiin—ang tulungan ang nakararaming Pinoy!
◘◘◘
Pinakamahalaga sa lahat ay maka-Diyos si Pacquiao, nasumpungan niya ang pananampalataya sa Panginoon at aktibo sa relihiyon.
Ito ang kanyang armas—ang mataas na moralidad at malinaw na direksiyon.
Iisa ang malinaw, bagaman aktuwal na bilyunaryo, hindi siya pusakal na Oligarko, hindi rin kroni!
◘◘◘
Tinitingala at nakikipag-selfie kay Pacquiao ang mga hari, prinsipe at lider ng iba’t ibang bansa bilang pagkilala kasama na ang mga batikang celebrities sa Hollywood at world sports.
Malinaw na iniangat ni Sen. Pacquiao sa mapa ng daigdig ang Pilipinas kung saan ipinakipaglaban niya sa Senado ang kapakanan ng mamamayan!
◘◘◘
Isang kabalyero, alamat, buhay na bayani ng bayan si Pacquiao—walang iba pang aspirante sa pagkapangulo ang hihigit sa kanya.
Ang mga hindi nagawa ng nagdaang pangulo ng bansa ay inasahang magagawa niya tulad sa pagiging “hall of famer” sa world professional boxing arena!





Comments