Pagdeklarang guilty si Trump, 'di man lang umabot sa three-fourth

ni Ka Ambo - @Bistado | February 15, 2021
Hindi umabot sa three-fourth ang boto ng mga senador para maideklarang guilty si dating US President Donald Trump .
Hindi kasi nakagawa agad ng “DAP” si Joe Biden!
◘◘◘
Korup ang mga pulitiko sa Pilipinas at makikita ito sa impeachment process.
Tatlong senador lang ang bumoto nang pabor kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa panahon ng Impeachment Trial sa panahon ni ex-P-Noy!
◘◘◘
Ang tatlong pumabor kay Corona sa impeachment trial ay mga “political icon” na hindi kayang ma-corrupt ng sistema.
Kabilang ang dalawang yumao nang sina Sen. Miriam Defensor Santiago at Sen. Joker Arroyo.
Pero ang mga bopol na botanteng Pinoy ay hindi nagpapahalaga sa mga “matitino” bagkus ay mas pabor sila sa mga mandarambong at bolero!
◘◘◘
Ikatlong senador na pumabor kay Corona si Sen. Bongbong Marcos na hindi nababahiran ng isyu ng korupsiyon.
Ang malaking boto ni Marcos ay mula sa malinis niyang kredibilidad at integridad at hindi nagmula sa makinaryang pulitika kumpara sa resources at makinarya ng Liberal Party ni Leni Robredo.
Pero, kinapos pa rin siya ng boto at hindi nakapagtala ng landslide kung saan naging sanhi ng election protest!
◘◘◘
Tanging si Marcos na lamang ang natitirang buhay sa “huling tatlong senador” na may mahusay na reputasyon.
Maging si Corona na binawian na ng buhay dahil sa matinding siphayo at pighating ipinarusa ng mga mandarambong sa pamahalaan!
◘◘◘
May ilan pang nakalaboso at umamin sa pagtanggap ng DAP at pabor sa panahon ng impeachment trial.
May ilang ding nananatili sa posisyon pero lahat sila ay may kaduda-dudang karakter at patuloy na nambobola lamang sa mga botante!
◘◘◘
Nakakalungkot na ang demokratikong proseso sa Pilipinas ay hindi kasing lusog sa US.
Nananatili pa ring nadidiktahan ng ehekutibo ang lehislatura at hudikatura.
Isa itong bulok na demokrasyang dapat sagipin sa pagkalugmok!





Comments