top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pagdating ng COVID vaccine, nakatengga dahil sa Dengvaxia?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 21, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 21, 2021



Matagumpay ang pag-landing ng tatlong spaceships sa Mars.


Ito ay para lang makahanap ng tubig!


◘◘◘


ITINENGGA pa rin ang pagdating ng COVID vaccine.


Ito ay dahil sa isyu ng Dengvaxia.


Gusto ng manufacturers na maabsuwelto kapag palpak ang kanilang bakuna.


Lintek!


◘◘◘


AYON sa mga pulitiko, paglaban daw sa COVID ang kanilang prayoridad imbes na kampanya.


Sabihin ninyo ‘yan sa buwan!


◘◘◘


ISINASARADO nang todo ang border ng Canada at US.


‘Yan ay dahil sa COVID.


Kahit magkakaibigan at kaanak, tipong away-away muna!


◘◘◘


NATAGPUANG patay sa Bilibid ang bilanggong may kasong karnaper .


Tuluyan na siyang pinatahimik!


◘◘◘


PUWEDE na raw hindi magpunta ang mga senior citizens sa bangko para kotrahin ang pensiyon.


Sige, sasabihin natin ‘yan sa mga kobrador ng jueteng!


◘◘◘


SUSUBUKAN daw ang face-to-face school class.


Bahala kayo, praktis lang naman, eh!


◘◘◘


ANG COVID vaccine na itinuturok ay malinaw na nasa trial stage pa lamang.


‘Yan ang dahilan kung bakit kailangan ang batas o pahintulot para sa “for emergency use”.


Meaning, bahagi pa rin talaga ng eksperimentasyon o aktuwal na trial.


Siyempre, asahan ang side effects na bahagi ng lahat ng “trials”.


Malinaw ‘yan at walang debate!


◘◘◘


TALIWAS sa normal na sitwasyon, hindi pa talaga dapat gamitin ang mga COVID vaccine.


Pero dahil krisis, pormal silang humihingi ng permiso sa “emergency use”.


At kapag nagkaroon ng side effects tulad sa “trial ng Dengvaxia”, gusto ng suppliers na “walang demandahan” na magaganap.


Kitams!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page