top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagdaraos ng Christmas parties, hindi basta-basta

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 06, 2021



Bagama’t pinapayagan nang magdaos ng Christmas party ngayong holiday season ang mga lugar na nasa Alert Level 2, nagpaalala ang Department of Health (DOH) na magkaroon ng ligtas na selebrasyon.


Ito ay dahil marami na umanong nagiging kampante, lalo na’t bumababa ang COVID-19 infections at pinapayagan na ang booster shots sa pagpasok ng Kapaskuhan.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung kailangan talaga at gustong ipatupad o magkaroon ng selebrasyon, ipinapayo sa mga employer na i-require na fully vaccinated ang mga dadalo. Gayundin, hiling ng opisyal na gawin ito sa open space at pinatitiyak na ang lahat ay magsusuot ng facemask at susunod sa physical distancing.


Dagdag pa rito, anang opisyal, kung maaari ay ‘wag munang maghain ng buffet upang maiwasan ang kumpulan ng mga tao tuwing kukuha ng pagkain. Mas mainam pa rin umanong plato-plato na lang kukuha ng pagkain ang mga empleyado at iwasan ang sharing ng pagkain.


Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng bilang ng daily COVID-19 cases, pinangangambahan ang pagpasok ng mas nakahahawang Omicron COVID-19 variant sa bansa, kaya naman hinihikayat pa rin na magsagawa ng Christmas parties gamit ang online video conferences para maiwasan ang harapang pakikisalamuha sa mga katrabaho.


‘Ika nga, kayang-kaya na nating makipagsabayan sa COVID-19, pero kasabay nito ang mga pag-iingat para maiwasan pa rin ang hawahan.


Hindi kasi puwedeng ‘party now, COVID later’, kumbaga, kahit karamihan sa atin ay bakunado na, hindi ito dahilan para magrelaks.


Kaya pakiusap sa lahat, sumunod sa mga pakiusap at maging disiplinado sa lahat ng oras para sa kaligtasan ng bawat


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page