top of page
Search
BULGAR

Pagdaraos ng 31st APPF, para sa kapayapaan at kaunlaran ng mga bansa

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | November 23, 2023


Mula November 23 hanggang 26, idaraos sa bansa ang 31st Asia-Pacific Parliamentary Forum (APPF31) na dadaluhan ng 28 na member-countries nito.

☻☻☻


Idinaos ang unang pagpupulong ng APPF sa Tokyo, Japan, noong 1993. Sa pagpupulong na ito ay nailathala ang Tokyo Declaration na nagtatakda ng mga layunin, prinsipyo, at istruktura ng APPF.


Layunin ng APPF na magbigay ng plataporma para matukoy at mapag-usapan ang mga mahalagang isyu at karaniwang interes ng Asia-Pacific region.


Nilalayon din nito ang pagpapalalim ng pag-unawa sa mga alalahaning pangpolisiya, at mga interes at karanasan ng mga bansa sa rehiyon.


☻☻☻


Ang tagline para sa APPF31 ay “Soaring Together” na nakahanay sa bisyon na bumuo ng matibay na pagsasamahan ng mga member-countries tungo sa kapayapaan, kaunlaran, at sustainability.


Umaasa tayong magiging matagumpay ang APPF31 at lalo pang tumatag ang samahan ng mga bansa sa Asia-Pacific region.


Hindi natin lubos na mabibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagtugon sa iba’t ibang hamon at isyu na kumakaharap sa rehiyon, kasama na ang regional security, transnational crime, free and fair trade, climate change, at iba pa.


☻☻☻


At sa iba’t ibang delegasyon na dumating sa bansa para dumalo sa APPF31, maligayang pagdating sa inyong lahat!


Bilang bansang kilala sa hospitalidad, makakaasa ang ating mga bisita na best foot forward tayo upang masiguro na maayos ang kanilang karanasan sa saglit na pagdalaw nila sa ating bansa.

☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!



 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page