top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pagdami ng COVID-19 cases sa Laguna, dahil sa jueteng

BULGAR
Aug 16, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 16, 2021


MABUTI NA LANG MAY COA KAYA NABUBULGAR ANG MGA GOV’T. OFFICIALS NA GUMAGAWA NG KABULASTUGAN SA PERA NG BAYAN—Matapos ibulgar ng COA (Commission on Audit) na mismanaged ang paggastos ng Department of Health (DOH) sa P67 bilyong pera ng bayan; higit 1% lang sa P5.5 bilyon ang naipamahagi ng Land Transportation and Franchise Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus at jeepney drivers ay ibinulgar din ng COA na P780 milyong ayuda sa mahihirap ang hindi rin naipamigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Mabuti na lang may COA kasi kung wala, hindi malalaman ng publiko ang mga kabulastugang pinaggagawa ng mga opisyal ng DOH, LTFRB at DSWD sa pera ng bayan sa panahon ng krisis na dulot ng COVID-19, boom!


◘◘◘


MAHINANG TUGON AT WALANG PLANO SA LABAN SA COVID-19 AT MISMANAGED SA DOH FUNDS DAHILAN KAYA BIGO ANG ‘PINAS SA LABAN SA COVID-19—Sabi ni Dr. Tony Leachon, dating adviser ng IATF (Inter-Agency Task Force) na kaya bigo ang Pilipinas sa laban sa COVID-19 ay dahil mahina ang tugon ng gobyerno sa laban sa COVID-19, wala raw malinaw na plano kung paano masusugpo ang COVID-19 at mismanaged na paggastos sa higit P67 billion DOH funds.


May punto si Dr. Leachon kasi hindi agad nag-travel ban sa China, at mas nagpokus ang gobyerno sa pag-shutdown at pagtanggal sa prangkisa ng ABS-CBN; pag-atake kay Vice-Pres. Leni Robredo at sa mga aktibista; at plano sa pulitika sa 2022 election ang inaatupag imbes na pagplanuhan nang husto ang laban sa pandemya; at ang mismanaged sa P67-B DOH funds, siyempre kapag sinabing mismanaged ay may kaakibat ‘yan na na kurakutan at paglulustay sa kaban ng bayan, period!


◘◘◘


KAPAG NAGSIBAK SI GEN. ELEAZAR NG MGA SCALAWAG NA PARAK, HINDI PAISA-ISA, KUNDI BULTUHAN—Buong puwersa ng Quezon City-CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) Field Office ang sinibak ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar dahil sa kasong extortion.


Kaya panawagan natin sa mga scalawag sa PNP, tantanan na ang masamang gawain kasi ibang klase ang PNP chief ngayon sa katauhan ni Gen. Eleazar kasi kapag nagsibak siya, hindi paisa-isa, kundi "bultuhan", boom!


◘◘◘


JUETENG ANG SANHI NG PAGDAMI NG COVID-19 CASES SA LAGUNA—Isinailalim na ng IATF sa ECQ (Enhanced Community Quarantine) o lockdown ang Laguna kasi patuloy na dumarami ang tinamaan ng COVID-19 sa lalawigang ito.


Hindi kaya ang dahilan ng pagdami ng mga nagkaka-virus sa Laguna ay dahil sa paglabag sa health protocols ng mga kubrador ng jueteng?


Hanggang ngayon kasi ay nagbahay-bahay pa rin ang mga kubrador nina "Totoy," "Ibora," "Toce," "Alvarez" at "Tita" para magpataya ng jueteng sa mga taga-Laguna, at ang masaklap ay "nganga" lang dito sina Gov. Ramil Hernandez at PD P/Col. Serafin Petalio, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page